Ellen, inamin na ang AFAM na BF
- Beth Gelena
- Apr 16, 2020
- 4 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Napaka-controversial talaga ni Ellen Adarna when it comes to her love life.
Hindi man niya tuwirang sinasabi na hiwalay na sila ng aktor na si John Lloyd Cruz, heto at inamin na rin niya finally na she’s in a relationship sa ibang lalaki.
Last holiday season ay nag-viral ang photo ni Ellen with the Spanish guy named Carlos Lemus.
Nakakaintriga ang mga kumakalat nilang pictures dahil sa sweetness nilang dalawa.
Wala pang pag-amin si Ellen that time kung ang nasabing Spanish guy na ang kapalit ni Lloydie sa
kanyang puso na na-meet niya sa Madrid nu’ng holiday season.
Matatandaang minsan na ring may nagtanong sa kanya na isang netizen kung bakit nawala ang pagmamahal niya sa Kapamilya actor.
Sagot ni Ellen, “Only God knows why they have fallen out of love.”
Sa interbyu ni Mo Twister kay Ellen sa Good Times With Mo podcast kamakailan, inamin ni Ellen na nasa LDR (long distance relationship) siya ngayon.
Pag-amin niya kay Mo, “Yes I am dating someone right now. He’s from Spain. Afam (laughs). It’s a long-distance relationship. It actually works well for me because I have to spend time with my son.
It works well for me. I’m not hassled at all.”
Hinggil sa kanyang pagbabalik-artista, stop showbiz daw muna siya dahil naka-focus siya sa anak nila ni Lloydie na si Elias Modesto hanggang mag-seven years old ang bata.
Sa ngayon, ang pagiging co-parenting na lang with Lloydie ang nagkokonek sa kanilang dalawa.
***
ALEX, IPINAGMALAKI ANG PAGPAPATAYO NI TONI NG SIMBAHAN, SINABIHANG NAGYAYABANG LANG
DINEPENSAHAN ni Alex Gonzaga ang ate niyang si Toni Gonzaga hinggil sa akusasyon ng ilang netizens na wala raw itong naitutulong sa panahon ngayon ng krisis.
May nag-post ng tulong mula sa isang netizen at nilait ng basher.
Sey ng basher, “SI TEDDIE SALAZAR LANG Talaga ANG WALANG KUWENTA.”
Pero ang naka-post na picture ay ang ginrab na photo ni Bea Alonzo kung saan may caption na
“Actress Bea Alonzo cooks for frontline health workers,” na inilabas ng isang broadsheet.
Ni-reply-an ni Alex ang may user ID na @RKMadamba.
Ani Alex: “Teddie Salazar, walang kuwenta pero 'yung Toni Gonzaga, ang daming naitulong, 'di man lang s'ya ma-post. Ako ang magpo-post, teka lang."
Kinunan ni Alex ang mga naka-pack na goods at saka nilagyan ng caption na: “The 4th batch of our 1k relief goods is from my sister. She has been continuously helping without posting anything. She has built and renovated different churches, has scholars and regular feeding program for kids. Ako na lang ang magpo-post kasi I'm so proud of my generous ate!”
Mukhang nakasama pa kay Alex na pati ang pagtulong ni Toni sa simbahan ay kanyang ipinaalam.
Kinorek siya ng netizen at sinabing, "She has built and renovated different churches ... I don't think she actually built any, maybe just helped or contributed towards their renovation.”
Sabi naman ng isang netizen na mukhang may alam sa pagkakawanggawa ni Toni, “Marami silang churches at kapilya. She helped built and renovate.”
May nag-comment naman ng “Building or structure ang ipinagawa niya kung meron man, hindi church!”
Sana, hindi na lang pinatulan ni Alex ang basher. Una na namang sinabi ni Toni na ang ginagawa niyang pagtulong ay hindi niya ipina-publicize.
Saka, bakit nga ba ginagawang competition ngayon kung sino ang mas may naibibigay? Hindi ba’t ang charity ay galing sa puso ang pagtulong sa kapwa at hindi payabangan?
Sabi nga ng netizen, “Panget na naging defensive si Alex. Nagmukhang nagyayabang lang.”
Isang netizen naman ang humanga kay Toni at sinabing, “I may not like these sisters but I appreciate Toni for not posting her generosity. It's between her and God.”
***
NAPANOOD namin ang Block Z at aware kami sa ending ng movie dahil biglang pumasok sa frame si Angel Locsin. And in our thoughts, baka magkakaroon ng sequel ang movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia at ipapasok ang character ni Angel.
Mukhang magkakatotoo ang sapantaha namin dahil gusto rin ni Dimples Romana na magkaroon ng sequel ang kanilang horror movie.
Kasama si Dimples sa Block Z bilang lady guard.
Sa isang online fundraiser na #KuwentuhanLang ay guest ang direktor ng pelikula na si Direk Mikhail Red at si Dimples. Napagkuwentuhan nila ang tungkol sa Block Z at natanong ang direktor kung buhay ang character ni Dimples as a security guard.
Kinumpirma ng direktor na buhay pa ang character ni Dimples as Bebeth.
"Sinadya naming mabuhay si Bebeth, kasi alam naming magiging fan-favorite 'yung shotgun moment. Sinadya namin, para one day, kung kailangan namin ng arrival moment, si Dimples, ganu'n siya," ani Direk Mikhail.
Ayon naman kay Dimples, she is hoping na magkakaroon ng sequel ang Block Z para raw maging parte si Angel ng pelikula.
"Si Angel, kung napanood n'yo, is also part of Block Z. I'm hoping there will be a part two. It will be very fun to be able to work with her!" lahad ng aktres.
Sambit naman ng direktor, kung magkakaroon daw ng sequel ang Block Z, posible ngang maging part si Angel.
***
ANAK NI POKWANG, SINUSUBUAN NG MAID NANG NAKAKAMAY KAHIT BAWAL DAHIL SA COVID-19
HINDI na nakapagtimpi si Pokwang at sinabihan ang mga nagkokomento sa kanyang social media account na “Manahimik at bawasan ang pagka-chismosa n'yo!”
May post kasi ang komedyanang aktres ng isang video kung saan pinapakain ng kasama nila sa bahay ang 2 years old nilang anak ni Lee O’ Brian gamit ang kamay.
Komento ng netizen: “May COVID, bawal magsubo ng kamay.”
Sarkastikong sinagot ni Pokwang ang commenter, “So, ano gagamitin, paa?”
Marami na ring netizens ang nakihalo sa usapan ng dalawa hanggang sa humaba na nang humaba.
Bandang huli, sinabi ni Pokwang, “Marami na ngang iniisip ang mga tao sa lockdown, dagdag pa kayo!
“Bakit 'di kayo kasi manahimik at bawasan ang pagka-chismosa n’yo?”
Nag-post pa ang komedyanang aktres ng isang larawan kung saan nakatahi ang bibig ng babae na patama sa mga taong chismosa.
May nakasulat na “In this time of crisis, if you cannot help, just quarantine your mouth!”
Sa huli, sinabihan niyang "KALMA" ang netizen.




Comments