top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

7-anyos, gumaling sa COVID-19

  • BRT
  • Apr 16, 2020
  • 1 min read

Isang pitong taong gulang na lalaki na taga-Zamboanga del Sur ang gumaling sa Coronavirus Disease.

Kaugnya nito, zero-case na ngayon sa COVID-19 ang nasabing probinsiya.

Sa pahayag ni Jesrel Himang ng Zamboanga del Sur Task Force COVID-19, natanggap ng Department of Health Regional Office 9 nitong Lunes ang pangalawang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test ng batang pasyente na taga-Dumalinao kung saan nagnegatibo na ito sa virus.

Bagama't nakauwi na ang bata, inabisuhan pa rin ng mga doktor ang mga magulang nito na mag-home quarantine ng 14 na araw.

Napag-alaman na may travel history ang bata at pamilya nito sa Iligan City, kung saan may naiulat ding mga kaso ng COVID-19.

Noong nakaraang linggo naman nakalabas sa Zamboanga del Sur Medical Center ang isang medical doctor at sundalo ng 1st Tabak Division matapos gumaling mula sa COVID -19.

Gayunman, bagama't wala ng kaso ng COVID-19 ang probinsiya, magpapatuloy pa rin umano ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page