4 milyong mahihirap, nabigyan na ng cash assistance — DSWD
- BRT
- Apr 16, 2020
- 1 min read

Aabot sa apat na milyon sa 18 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic ang nabigyan na ng tulong pinansiyal ng gobyerno.
Bukod dito, sinabi rin ni Social Welfare Undersecretary Milo Gudmalin na P65 bilyong halaga ng pondo na rin ang kanilang naibigay sa 1,228 local government units (LGUs) para sa Social
Amelioration Program (SAP).
Kaugnay nito, inaasahang sa linggong ito ay dodoble pa ang mabibigyan ng emergency subsidy ng mga LGUs.
Matatandaang sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, P200 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa mga low-income households.





Comments