Oso, coyotes at deer, nag-party sa parke sa California
- Lolet Abania
- Apr 15, 2020
- 2 min read

YOSEMITE, CA — Dahil sa pagsasara ng iba’t ibang establisimyento at mga parke sa buong lugar ng California, isa ang Yosemite National Park na tinamaan nito.
Subalit, para sa mga wildlife na nakatira doon, tila mas masaya silang namumuhay sa ngayon, sa kabila ng coronavirus pandemic. Sa katunayan, ang mga oso, bobcats at coyotes, na kadalasang lumalayo sa mga tao na nagpupunta at nagka-camping, at mga sasakyan na nagpa-park, ay naglilibut-libot na sa buong national park.
Halos 300-500 ang nabubuhay na black bears sa Yosemite National Park at nagpa-party na dahil malaya silang nakakapag-ikot sa lugar. Sa Instagram post ng Yosemite National Park, “Though there hasn’t been an increase in their population since the park closure, bears have been seen more frequently than usual, likely due to the absence of visitors in Yosemite Valley.”
Isinara noong Marso 20 ang national park, upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. Gayunman, mayroong 100-200 park service employees at mga manggagawa ang nasa lugar, ayon sa Los Angeles Times.
Noong Abril 2, mula sa posted video sa Facebook ng national park, may titulong ‘Stillness in Yosemite Valley,’ makikitang ang mababangis na hayop kasama na ang coyotes, deer at iba pa ay nagsasaya habang nakatingin sa tanawin doon, na walang mga turista na kumukuha ng pictures sa kanila.
“While so much has changed for humans in recent weeks, it’s reassuring to
see that nature carries on as it always has,” ayon sa Facebook post. “Wildlife is becoming more active, perhaps enjoying having the park mostly to themselves.”
Gayunman, ayon sa isang Yosemite hotel worker, ang “bear population has quadrupled”, mula nang magsara ito, hindi dahil sa panganganak kaya dumami kundi dahil sa halos lahat ng wildlife ay naglabasan para gumala-gala sa buong paligid ng parke. Gayundin, walang mga turista na dumarayo para sila ay kulitin ng mga wildlife selfie pictures.





Comments