top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maaari bang mag-utos ang korte sa prosekyutor na magsampa ng kaso ‘pag ayaw nitong sampahan ang hini

  • Persida Acosta
  • Apr 15, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang pilitin at utusan ng korte ang prosekyutor na magsampa ng kaso kapag ito ay tila ba ayaw gawin ang tungkulin nitong magsampa ng kaso sa hinihinalaang kriminal? – Puling

Dear Puling,

Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa ilang mga desisyon ng Korte Suprema. Ayon sa kasong People vs. Yecyec (G.R. No. 183551, Nobyembre 12, 2014), isinulat ni Honorable former Associate Justice Jose C. Mendoza, ang alituntunin na nananaig sa ating sistema na panghustisya ay sinasabi na ang prosekyutor ay mayroong malawak na diskresyon sa pagdetermina kung dapat bang magsampa ng kasong kriminal sa korte, viz:

“It must be stressed that in our criminal justice system, the public prosecutor exercises a wide latitude of discretion in determining whether a criminal case should be filed in court, and the courts must respect the exercise of such discretion when the information filed against the person charged is valid on its face, and that no manifest error or grave abuse of discretion can be imputed to the public prosecutor.”

Gayunman, bagama’t may malawak na diskresyon ang prosekyutor, ito ay qualified o limitado. Sa sitwasyon kung saan malinaw at walang duda ang ebidensiyang dapat magsampa ng kaso, nawawala na ang diskresyonaryong karakter ng tungkulin ng prosekyutor, sa halip, ito ay mandatory na.

Sa katunayan, ito ang nabanggit ng Korte Suprema sa kasong Metropolitan Bank and Trust Company vs. Reynaldo (G.R. No. 164538, Agosto 9, 2010, Ponente: Honorable former Associate Justice Mariano del Castillo) kung saan nakasaad ang sumusunod:

“However, the moment he finds one to be so liable it becomes his inescapable duty to charge him therewith and to prosecute him for the same. In such a situation, the rule loses its discretionary character and becomes mandatory.”

Samakatwid, bagama’t ang general rule ay sinasabing hindi maaaring pilitin ang prosekyutor sapagkat ito ay may malawak na diskresyon, may exception na kapag mayroon nang pag-abuso sa diskresyon ay maaari na itong pilitin magsampa ng kaso. Sa ganitong sitwasyon, maaari nang utusan ng korte ang prosekyutor sa pagpetisyon para maisyuhan ng Writ of Mandamus na siyang remedyo ayon sa batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page