Karla, buking na kasama na sa bahay ang non-showbiz BF
- Julie Bonifacio
- Apr 15, 2020
- 3 min read

Nag-post ng throwback picture ang Magandang Buhay host na ina ni Daniel Padilla na si Momshie Karla Estrada sa kanyang Instagram account.
Ipinost ni Momshie Karla sa IG ang picture niya na naka-yellow one-piece bathing suit habang nasa swimming pool at sa 'di kalayuan ay lumalangoy naman ang bata pa noon na si Daniel.
Kasabay ng throwback pic ni Momshie Karla ay video naman niya habang nagte-treadmill sa gym sa loob ng kanyang bahay.
Caption ni Momshie Karla sa kanyang IG post: "Trying to turn back time when I had that 21 waistline! With cutie DP on the background! Well.. 'di na babalik 'yun kaya mag-lunch na tayo mga momshies! #goodvibesonly #stayhomechallenge."
Positive and words of encouragement ang karamihan sa mga comments ng mga followers ni Momshie Karla sa kanyang Instagram post.
Ilan sa mga followers ni Momshie Karla ay mga kaibigan niya at kasabayan sa Regal Films gaya nina Ruffa Gutierrez at Sunshine Cruz.
"Wowwww, can't wait to see Mare!!!" comment ni Ruffa.
Habang si Sunshine naman ay apat na heart emojis ang inilagay.
Ipinost din ni Momshie Karla sa kanyang IG account ang mga larawang kuha sa selebrasyon nila sa bahay nu'ng Easter Sunday.
Unang piktyur ni Karla ay kasama ang kanyang mga anak, meron ding picture with her friends, with her dog and with her boyfriend na si Jam Ignacio.
"Happy Easter!!! Missing you here @josecarlitoph see you tom anak! Stay home and stay safe everyone."
May nakapansin na netizen sa dami ng kasama ni Karla sa bahay.
Ayon sa netizen na may user ID na madziful90, "Parang ang dami mong kasama sa bahay."
Sagot naman ni Momshie Karla, "Napakarami talaga naming nakatira sa bahay."
Kasunod ng reply ni Momshie Karla ang tanong ulit from a certain anavih_lucas.
Tanong niya, "Sa inyo na po nakatira ang BF n'yo?"
Pero 'di ito sinagot ni Momshie Karla.
Hmmm… 'di naman siguro. Baka inabot lang ng lockdown ang BF ni Momshie Karla sa bahay niya.
♥♥♥
Iñigo, umaming hihimatayin kapag pinansin ni Justin Bieber
Kung super enjoy si Piolo Pascual sa kanyang "confinement" sa resthouse niya sa Batangas, naiwan naman sa kanyang condo ang anak niyang si Iñigo Pascual.
Napanood namin ang Lunchtime with the Stars ng mga artists ng Cornerstone Entertainment sa Facebook kung saan isa si Iñigo sa tatlong artists nila na involved.
Ang dalawang Cornerstone artists na kasama ni Iñigo sa Lunchtime with the Stars ay si Kyle Echarri at ang dance champion na si Ken San Jose.
Naikuwento nila kung anu-ano ang pinagkakaabalahan nila during the lockdown at kung na-hook din ba sila sa panonood ng K-drama gaya ng maraming Pinoy.
Inamin ni Iñigo na pinanood niya ang isa sa Top 10 Netflix series, ang Kingdom.
Tsika naman ni Kyle, mom niya ang nanonood at tinatapos ang isang season ng K-drama in one sitting.
Nag-post ng question ang isang netizen sa tatlo kung ano ang reaction nila sa pag-like at pag-post ng international star na si Justin Bieber sa ginawang TikTok video ng isang Pinay.
"You know, that's Justin Bieber. So, you know, it's a buzz thing," sabi ni Ken.
Ayon naman kay Iñigo, "'Pag si Justin Bieber, ipinost ang video mo, grabe ka. Siguro, hihimatayin na ako 'pag nakita ko 'yung video ko."
Pahayag naman ni Kyle, "Yeah, sobrang blessed mo. That's Justin Bieber. He's so respected."
True.




Comments