top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Garbage collector, positibo sa COVID-19

  • V. Reyes
  • Apr 15, 2020
  • 1 min read

Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 ang isang garbage collector sa Cavite.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, nalaman lamang nila ang impormasyon makaraang makatanggap ng mga reklamo kaugnay ng hindi pangungolekta ng mga basura sa ilang lugar sa lalawigan.

“Ang naging katwiran sa atin, meron daw pong nag-positive sa kanilang garbage collector kung kaya medyo na-delay ‘yung pag-pick up noong mga mga basura,” ani Antiporda.

Dahil dito, iginiit ni Antiporda na mabigyan din ng personal protective equipment (PPE) ang mga garbage collector ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan dahil expose rin sila sa virus.

“Pagsuotin natin ng PPE na parang nasa operating room din sila , na parang nasa ER din sila dahil lahat po ng dumi sila ang sumasalo. Meron pong mga contaminated na nakokolekta silang basura,” dagdag pa ng opisyal.

Nauna nang hinimok ng EcoWaste Coalition ang gobyerno na magbigay ng hazard pay sa mga garbage collector sa panahon ng enhanced community quarantine. Katwiran ng grupo, ang mga nangungolekta ng basura sa mga bahay at ospital ang pinakadelikadong mahawa ng COVID-19.

Kasabay nito, sinabi ni Antiporda na kailangang palakasin ng mga lokal na pamahalaan ang tamang pamamahala ng mga basura sa kanilang nasasakupan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page