top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Duda sa agency kaya ‘di matuloy sa pag-a-abroad

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 15, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. Nag-apply ako ngayon sa Australia bilang caregiver, kaya lang, ang tagal-tagal na ng mga papeles ko sa agency na tumulong sa akin, pero wala pa ring magandang resulta. Minsan tuloy ay nagdududa ako na nabiktima ako ng illegal recruiter, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Pero may parte pa rin sa akin na naniniwalang hindi ako nabiktima dahil inirekomenda ng pinsan kong nasa Australia ang nasabing agency.

  2. Maestro, sa palagay ninyo, may Travel Line ba ako at gaano kalaki ang tsansa na makapag-abroad ako? Kung makapag-a-abroad ako, kailan ito mangyayari?

  3. Madalas, sa sobrang tagal ko nang naghihintay ay iniisip kong bumalik muna sa dating company na pinapasukan ko dahil sinabi ng boss ko na kapag nagbago ang isip ko ay puwede akong bumalik sa kanila dahil kabisado ko na ang trabaho roon at mahihirapan silang maghanap ng kapalit ko.

Kasagutan

  1. Tama ang nasa isip mo, Maggie. Mas mainam na bumalik ka muna sa dating kumpanya na pinapasukan mo kaysa maghintay ka sa wala o sa kapalarang hindi pa nakatakdang dumating ngayon.

  2. Tunay ngang hindi pa ngayon ang tamang panahon para makapag-abroad ka dahil magulo pa ang namataang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na, tamang-tama ang mungkahi sa itaas—bumalik ka muna sa dating pinapasukan mo dahil hindi naman gaanong napinsala o pumangit ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung tutuparin ng dati mong boss ang pangako niya sa iyo, sa halip na tumambay at naghihintay kang makaalis dahil walang katiyakan ang sinasabi ng iyong agency, mas mabuting magtrabaho ka na lang ulit sa dati mong kumpanya upang pagsapit ng takdang panahong luminaw na ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, saka ka na lang ulit mag-apply sa abroad.

Dapat Gawin

Habang, ayon sa iyong mga datos, Maggie, hindi pa ngayon ang panahon upang makapangibang-bansa ka, kaya tamang-tama ang iyong pasya. Pagkatapos ng suliranin ng buong mundo sa Covid-19 at humupa ang bilang ng mga kaso nito, bumalik ka muna sa dating employer mo, sapagakat ayon sa gumandang Travel Line sa medyo dulong bahagi nito (t-t arrow c.), sa 2022 o 2023 ka makapag-a-abroad, hindi sa Australia kundi sa Canada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page