top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Isinilang sa Year of the Rabbit, mas gusto ang tahimik na buhay kaya dedma sa mga pangyayari at napa

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 14, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong Year of the Metal Rat.

Sa pagkakataong ito, ang tatalakayin natin ay ang ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.

Kung ikaw ay isinilang noong 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 at 2023, ikaw ay may Rabbit Personality.

Dahil love na love ng mga Kuneho ang tahimik at payapang buhay, kadalasan ay umiiwas sila sa responsibilidad at hinahayaan na lamang nila na lumipas ang mga pangyayari kung saan inaakala ng ibang mga nanood sa buhay nila na ang Kuneho ay pabaya sa buhay.

Pero hindi naman sila ganu’n, sa halip, ang mga Kuneho ay may mga layunin at pangarap na palaging nakatuon sa ikabubuti at ikagaganda ng kanilang pamilya. Ibig sabihin, likas sa mga Kuneho ang pagiging matulungin at maasikaso sa bawat miyembro ng kanilang pamilya at palaging dito nakatuon ang mga layunin at ambisyon nila sa buhay.

Kung pagbibigyan ng langit na yumaman ang Kuneho, tiyak na ang unang-una niyang babalatuhan nito at bibigyan ng kaligayahan at luho ay ang bawat miyembro ng kanyang pamilya dahil tulad ng nasabi na, likas na matulungin at mapagbigay ang Kuneho sa kanyang pamilya.

Bukod sa kahiligan sa payapa at tahimik na buhay, ang mga Kuneho ay mahilig din sa nature, kumbaga, mas pinipili nila ang mapag-isa kaysa makaimpok sa lipunan. Dahil dito, napagbibintangan sila na loner at introvert.

Bagama’t, may pagka-introvert, ang ikinaganda naman sa Kuneho ay kahit siya ay maghirap o maubusan ng salapi, hindi ito gaanong makaaapekto sa kanya dahil likas sa kanya ang pagiging optimist o pagiging positibo. Tunay ngang kahit mahulog pa ang Kuneho sa pinakaabang na kalagayan ng buhay, palagi siyang nangangarap ng magaganda at positibong mga bagay. Gayundin, hindi namamatay ang kanyang espiritu at palagi siyang umaasa at nakatitiyak na bukas-makalawa, uunlad, sasagana at magbabago rin ang lahat.

Dahil likas na mahilig ang mga Kuneho sa magagandang mga bagay at likhang sining, kadalasan, matatagpuan ang kanyang bahay na may mga koleksiyon ng mamahaling likhang sining at mga antique na bagay na kanyang iniingatan. Hindi niya alam, ang mga bagay na ito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang suwerte at kalakasan.

Bagay na bagay sa mga Kuneho ang propesyong nag-iisa lamang siya tulad ng pagpunta sa mga lugar na malapit sa kalikasan, pagpipinta, arts collector, philanthropist, social worker, anthropologist at iba pang kauri nito.

Dagdag pa rito, dahil likas sa Rabbit ang pagiging marangal, kinikilala at gentleman, tugma sa kanyang pagkatao ang old French expression na “noblesse oblige” na nangangahulugang habang siya ay may kakayahan, patuloy siyang magiging marangal at matulungin sa mga nangangailangan.

Sa pangkalahatan, dahil likas na mabuting tao ang Kuneho, itinuturing sila bilang isa sa mga pinakamapalad na animal sign sa Chinese Astrology, kaya pangkaraniwan nang natatagpuan ang Kuneho na may kuntento, successful at maligayang buhay, lalo na sa panahon ng kanilang pagtanda.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page