Pamumula ng paligid ng buwan, pahiwatig na humihiling ito na matapos na ang pagkalat ng COVID-19 sa
- Sr. Socrates Magnus II
- Apr 13, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang katanungan ni Jha-jha na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Señor,
Lately, napansin ko ang buwan na may parang pula sa gilid at parang singsing sa bilog ng buwan. Gayundin, ‘yung buwan ay kulay yellow pa rin.
May ibig bang sabihin ang buwan kapag ganu’n? Maraming salamat!
Naghihintay,
Jha-jha
Sa iyo Jha-jha,
Sa mga nakaraang araw, maganada ang pagkakabilog ng buwan dahil ang Full Moon ay nagaganap sa ika-8 ng Abril.
May panagalan ang moon kada buwan, ang pangalan ng moon ngayong Abril ay Pink Moon at dahil supermoon din, puwede itong tawagin na Super Pink Moon.
Kaya siya tinawag na “super” ay dahil sa tingin, ang moon ngayong Abril ay mas malaki kaysa sa iba pang moon sa ibang buwan.
Ang totoo nga, isa lang ang size ng moon, as in, hindi siya lumalaki at lumiliit kaya muli, sa paningin lang mas malaki ang moon ngayong Abril.
Hindi rin pink ang moon ngayong April, kaya lang naman ito binigyan ng pangalan na “Pink Moon” ay dahil sa North America, himalang namumulaklak kapag sumsaapit ang full moon sa Abril.
Ang halamang namumulaklak tuwing full moon ng Abril ay ang wildflower na wild ground phlox. Parang hinihintay ng mga halamang ito ang full moon sa Abril para magsimula na silang mamulaklak at ang kulay ng bulaklak ay pink. Dahil dito, masasabing bulaklak ng halaman ang pink at hindi ang buwan.
Ano naman ang paliwanag sa nakita ng marami na reddish ring sa paligid ng buwan kamakailan?
Kapag ang atmosphere ay sinasabing marumi o maraming mga elements na nananatili sa space o kalangitan, makakaapekto ito sa kulay ng paglubog ng araw at pagsikat ng buwan.
Ang paliwanag naman ang mga sinaunang tradisyon ay kapag ang buwan ay may kulay na red o tint of red, ito ay maihahalintulad sa eksena sa Mahal na Araw na si Lord Jesus ay nagdasal sa the garden of Gethsemane, todong dasal ang ginawa Niya, as in, He prayed so hard na ayon sa nakatalang pangyayri ay tumulo ang dugo at pawis ni Jesus habang Siya ay nagdarasal.
Ano naman kaya ang ipinapalangin ni Jesus? Hinihiling Niya sa kanyang Ama na kung puwede sana ay huwag matuloy ang pag-inom Niya sa saro. Kumbaga, huwag Siyang ipako sa krus ng kalbaryo.
Kaya ang buwan ay ganundin, siya ay nakikiusap sa kay God na kung puwede ay huwag nang magpatuloy pa ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa buong mundo. Tulad ni Jesus, nagdarasal din ang moon kaya nagiging kulay pula ang kanyang gilid o nagkakaroon ng reddish ring.
Itutuloy




Comments