Mag pagkaing mabuti sa kalusugan tuwing tag-init
- Lolet Abania
- Apr 13, 2020
- 2 min read

Kapag nagsisimula ang dry season o summer, marami ang nag-iisip kung ano ang masarap kainin, lalo na ngayon na ang lahat ay nasa bahay at hindi puwedeng lumabas. Ang iba ay kahit katatapos lang ng breakfast, gusto na agad mag-lunch at dahil stay at home ang kailangang gawin, heto ang ilang pagkain na masarap na, masustansiya pa:
1. GRILLED FISH. Mabuting kumain ng isda tulad ng inihaw na salmon dahil mayaman ito sa Omega-3 fats na maganda sa puso, lalo na sa mga taong may heart condition, gayundin, maiiwasan pa ang sobrang mamantikang pagkain. Maaari ring bangus o tilapiya ang ihawin dahil malinamnam at masarap.
2. VEGETABLE SALAD. Pinakamainam na pagkain na hindi niluluto ang vegetable salad. Bawat ingredients na meron ito ay malaki ang naitutulong sa kalusugan ng ating katawan. Ang lettuce, cucumber at tomatoes ay ilan lang sa sangkap na nakadaragdag sa inyong appetite kapag kumain tayo nito.
3. WATERMELON. Isa sa pinaka-hydrating na pagkain ang pakwan dahil mayaman ito sa lycopene na nakatutulong para maging malusog ang ating puso. Nakaka-refresh din ito dahil matubig at malamig ang laman ng ganitong klase ng prutas na mabuti sa ating katawan.
4. CORN. Kailangan ang pagkakaroon ng malusog na mga mata tuwing dry season dahil ang sobrang exposure sa araw ay nakapagpapa-dry ng balat at mga mata. Kapag kumakain ng mais, dito tayo makakukuha ng nutrients tulad ng zeaxanthin at lutein na mabuti para sa mga mata. Mabuting malinaw ang mga mata para lagi nating makita ang magagandang bagay sa ating paligid.
5. BERRIES. Mayaman sa fiber ang berries na mainam na kainin tuwing summer season. Maraming matatamis na pagkain na ating mabibili kaya kailangan ng fiber para makatulong sa pagpapabagal ng pag-absorb ng sugar na napupunta sa ating bloodstream. Mabuti rin ito para mabilis na nakapaglalabas ng waste ang ating katawan.
Mahalagang panatilihin natin ang pagiging malusog sa lahat ng oras lalo na sa kinakaharap nating kondisyon. Kapag mayroon tayong healthy body, siguradong malakas din ang ating katawan pati na ang ating immune system na kailangan na panlaban sa sakit na coronavirus.
Gets mo?




Comments