top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-dyowang magkakatuluyan dahil compatible sa birthday at magandang Heart Line

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 13, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. May boyfriend ako at naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung compatible kami at kung oo, kami na ba ang magkakatuluyan?

  2. Kung kami na ang nagkatuluyan, magiging maligaya at panghabambuhay na kaya ang bubuuin naming pamilya? May 30, 1993 ang birthday ko at February 15, 1992 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Kasagutan

  1. Ang zodiac sign mong Gemini ay tugma sa zodiac sign na Aquarius ng boyfriend mo dahil ang Gemini at Aquarius ay kapwa nagtataglay ng elementong air o hangin. Dahil iisa o pareho ang inyong elemento sa Western Astrology, ito ang sinasabing compatible kayo sa isa’t isa.

  2. Gayundin, sa aspetong Numerology, ang birth date mong 30 o 3 (ang 30 ay 3+0=3) ay suwetong-suweto ring isama sa birth date na 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) ng boyfriend mo dahil ang birth date na 30 o 3 at 15 o 6 ay kapwa divisible by 3 at sila ang tinawatag na numerong pasok series of 3-6-9. Ibig sabihin, hindi lang kayo tugma sa zodiac sign, bagkus, tugma rin kayo sa aspetong Numerology.

  3. Hinggil sa tanong mo na kung kayo na ang magkakatuluyan at magiging masaya ang inyong relasyon, positibo ang tugon. Bukod sa pagiging tugma ninyo sa zodiac sign at sa Numerology, madali namang kinumpirma ng kaisa-isa, makapal at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na kayo na ang magkakatuluyan.

  4. Ibig sabihin, kung sadyang mayroon kayong meaningful, wagas at maligayang relasyong pinagsasaluhan sa kasalukuyan, walang duda, tunay ngang malaki ang pag-asa na kayo nga ang magsasama at kailanman ay hindi na mapuputol pa ang inyong pagmamahalan.

  5. Samantala, ang pag-aanalisang magiging maligaya at magiging okey ang inyong relasyon ay madali namang kinumpirma ng magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na nagsimula sa Mount of Jupiter na tinatawag din Bundok ng Kaligayahan (arrow c.), ibig sabihin, ang inyong relasyon ay may pangako ng maligaya at panghabambuhay na samahan.

Dapat Gawin

Habang, ayon sa iyong mga datos, Clarissa, kayo na ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend, na tinatayang magaganap sa 2021 sa buwan ng Oktubre o Disyembre sa edad mong 28 at 29 naman ang boyfriend mo na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page