E-dalaw para sa COVID-19 patients
- BRT
- Apr 13, 2020
- 1 min read

Para maibsan ang lungkot dahil sa COVID-19, inilunsad ng Philippine General Hospital (PGH) ang sistemang “e-dalaw” o electronic dalaw sa kanilang mga pasyente para makausap ng mga ito ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa naturang sistema na inilunsad ng doktor na si Homer Co, coordinator for health operations ng ospital, makaka-video call ng mga pasyente ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon kay Melanie de Asis, social welfare officer ng Manila-based hospital sa PGH, malaking tulong sa mga pasyente ang suporta ng pamilya para mapangalagaan din ang kanilang mental health at mapabilis ang paggaling.
Tinatawagan muna ng social welfare officers ng ospital ang mga mahal sa buhay ng mga pasyente para mag-schedule ng video call na aabot naman sa 40 minuto.
Kamakailan nang itinalagang COVID-19 referral center ng Department of Health (DOH) ang PGH.
Kasama rin dito ang Jose M. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City at Lung Center of the
Philippines sa Quezon City.





Comments