Pagkawala ng COVID-19 sa bansa, ipagdasal natin ngayong Linggo ng Pagkabuhay
- Pabs Hernandez III
- Apr 12, 2020
- 1 min read
IPAGDASAL NATIN NA MAGLAHO NA ANG COVID-19—Ngayong araw natin ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Isinakripisyo Niya ang Kanyang sarili, namatay Siya sa pagtubos ng ating mga tao at ngayon, sa Kanyang muling pagkabuhay, sama-sama tayong manalangin sa Kanya na muling sagipin ang sangkatauhan sa pananalasa ng COVID-19, ipagdasal natin sa Kanya na sana ay maglaho na ang coronavirus upang hindi na makapambiktima, amen!
◘◘◘
PA-TEST NANG PA-TEST ANG WHO, WALA NAMANG MAISUHESTIYONG GAMOT SA COVID-19—Sinunod ng mga bansa ang utos ng World Health Organization (WHO) kung saan karamihan sa mga ito ay nagsagawa na ng mass testing sa COVID-19, pero ang masaklap, matapos nito ay wala namang maisuhestiyon ang WHO kung paano gagamutin ang mga nagpositibo sa deadly virus.
Kulang na lang sabihin ng WHO sa mundo ay magbilang na lang ng patay dahil wala pang gamot sa COVID-19, buwisit!
◘◘◘
DOH, HUWAG MAKINIG SA KAPALPAKAN NG WHO—Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga local government units at sa publiko na huwag gumamit ng ‘mist’ o pang-disinfect dahil bukod sa masama ito sa balat ay wala pa raw pruwebang napapatay nito ang virus.
Ganu’n? Eh, bakit sa Vietnam, ganyan ang diskarteng ginawa nila kaya 275 lang nagka-virus sa kanila, walang namatay, gumaling na ang 144 at nasa stable na kondisyon ang 113?
Dapat hindi nakikinig ang DOH sa WHO kasi palpak naman ang organisasyong ‘yan at patunay d’yan na hindi sila nagbabala sa publiko na ang virus na nag-umpisa sa China ay aatake pala sa buong mundo, period!





Comments