Nadiskubreng vaccine ng propesor ng Oxford, 80% sure kontra COVID-19
- Lolet Abania
- Apr 12, 2020
- 2 min read

LONDON — “80 percent” nang sigurado ang vaccine kontra sa coronavirus sa Setyembre, ayon sa kilalang British scientist.
Si Sarah Gilbert, isang vaccinology professor sa Oxford University, ay nagpahayag na ang vaccine na dinebelop ng kanyang team ay handa nang magamit “if everything goes perfectly.”
Ayon sa health secretary ng Britain na si Matt Hancock, ang komentong ginawa ni Gilbert ay nakapagbibigay ng “hope” o pag-asa sa kabila ng pandemic na kumitil sa buhay ng halos 8,958 katao sa United Kingdom.
“I know quite a lot about the Oxford project, and it is really great to see some hope, especially on the front page of the newspapers,” sabi ni Hancock.
Ang Oxford team ay isa lamang sa maraming nagsasaliksik sa buong mundo – kasama na rito ang U.S. firms na Moderna at Inovio – na walang humpay na nagde-develop ng vaccine para sa covid-19.
Ayon pa kay Gilbert, umaasa siyang ang vaccine ay magagamit na bago matapos ang taong 2020.
Gayunman, maraming mga eksperto ang nagsasabing ang pag-develop at pag-distribute ng vaccine ay tatagal ng 12 hanggang 18 buwan.
Subalit ang vaccine na dinidebelop ng grupo nina Gilbert ay magkakaroon na ng human trials sa susunod na dalawang linggo.
Sa pahayag ni Gilbert sa Times of London, “nobody can promise it’s going to work,” subalit positibo ang kanyang pananaw ukol dito dahil sa 80 porsiyento na itong magtatagumpay.
“I think there’s a high chance that it will work, based on other things that we have done with this type of vaccine,” sabi ni Gilbert. “It’s not just a hunch, and as every week goes by, we have more data to look at.”
Sakaling matapos ang vaccine, sabi ng mga eksperto aabot ng ilang buwan bago ito maipamahagi sa publiko.





Comments