top of page

Alamin: Dahilan kung bakit ginagamit ang itlog at bunny tuwing Easter Sunday

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Apr 12, 2020
  • 2 min read

Ginugunita ng mga Kristiyano ngayong araw ang Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus o Easter Sunday. Ang Easter Sunday ay ang tanda ng katapusan ng Holy Week o Mahal na Araw at Biblically, ito ay ang representasyon ng pagtupad ng Ama sa kanyang pangakong manunubos sa sanlibutan.

Ayon sa Biblia, matapos ipako sa krus at mamatay ay muling nabuhay si Hesus, tanda ng matagumpay na pagliligtas sa sanlibutan laban sa kasamaan at kasalanan. Ito rin ang tanda ng pag-asa na sinuman ang kumilala at sumampalataya sa Kanya ay muling mabubuhay nang walang hanggan.

Napakaraming nakasanayang gawain tuwing Linggo ng Pagkabuhay tulad ng maagang paggising upang masaksihan ang tinatawag na “Salubong” o ang muling pagkikita ng mag-inang Hesus at Maria.

Nakaugalian na rin ang Easter egg hunting kung saan kinukulayan ang mga nilagang itlog, mayroon ding mga plastic ng itlog na may lamang candies o chocolates sa loob. Nakasanayan na rin ang paggamit ng chocolate eggs. Ang mga eggs ay tinatago ng Easter Bunny at du’n na magsisimula ang Easter egg hunt.

1. Bakit nauso ang paggamit ng itlog at bunny tuwing Easter?

Ang kuneho ay isa sa mga simbolo ng Easter Sunday dahil kung ating mapapansin, ang Mahal na Araw ay hindi pare-pareho ng araw ng paggunita. Ayon sa What is Easter: Understanding the History and Symbols ni Susan E. Richardson, ito ay ginugunita kasunod ng first full moon o Pachschal full moon. Ayon din sa ancient symbols, ang kuneho ay sumisimbolo sa buwan, fertility at new life.

Ayon naman sa sinaunang paniniwala, ang itlog ay simbolo ng buhay kaya ito ay nakaugalian na tuwing Easter Sunday dahil sa muling pagkabuhay ni Hesus. Ang mga itlog ay kadalasang kinukulayan ng pula, tanda ng kaligayahan at pag-alaala sa banal na dugo ni Hesus.

2. Ligtas bang kainin ang mga kinulayang itlog?

Ang itlog ay nagtataglay ng mataas na protina at cholesterol at ayon sa isinawagang eksperimentasyon ng Iowa State University kung saan pinakain nila ng itlog ang mga daga, napag-alaman na sagana rin ito sa Vitamin D.

Marami na ring isinagawang pag-aaral na nakapagpatunay na maraming nutrients na makukuha sa pagkain ng itlog, ngunit babala ng Center for Science in Public Interest, ang pagkonsumo ng mga itlog na dumaan sa artificial coloring process ay nakapagdudulot ng hyperactivity at attention deficit hyperactivity disorder o ADHD sa mga kabataan.

Now we know, mga ‘tol. Oops, bago ko nga pala makalimutan, alam n’yo ba na ang tallest chocolate Easter egg ay matatagpuan sa Italy? Ito ay may taas na 34 ft, 1.05 in. at may bigat na 7,200 kg.. So, Happy Easter, mga ka-BULGAR! Stay safe and stay at home. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page