‘Pinas, mas kailangan ang financial experts kaysa sa medical expert
- Ka Ambo
- Apr 12, 2020
- 2 min read
Binabaklas na ang mga pabrika ng multi-national firms mula China at inililipat sa Vietnam.
Higit na maayos ang patakbo ng gobyerno ng Vietcong kaysa sa ‘Pinas!
◘◘◘
MABILIS na tinalo ng Vietcong ang COVID-19 ng China nang walang kuskos balungos.
Dapat balasahin ang Inter-Agency Task Force.
Puro papogi lang, walang gawa!
◘◘◘
WALANG krisis sa pagkain ngayon.
Ang krisis ngayon ay talamak na korupsiyon dahil walang nag-o-audit sa procurement ng relief goods at distribution.
Nakakakilabot!
◘◘◘
ANG krisis ay mararanasan sa pagpatak ng ulan ngayong Hunyo, Hulyo at Agosto.
D’yan kayo mag-imbak ng pagkain!
◘◘◘
MARAMI pang paninda sa sari-sari store at palengke.
Mauubos ‘yan sa tag ulan!
◘◘◘
ANG COVID-19 ay tulad ng ibang virus ay kusang maglalaho.
Pero ang bangkaroteng ekonomiya ay magiging pangmatagalang multo sa ating henerasyon!
◘◘◘
HINDI medical experts ang kailangan natin ngayon.
Ang higit na kailangan ay financial experts!
◘◘◘
PAANO kikilos ang gobyerno at pribadong sektor kung walang cash ang middle class at lower class.
Walang pera ang consumers, hala?
◘◘◘
MASYADO nang stress si P-Digong.
‘Yan ang delikado!
◘◘◘
UNTI-UNTING nang ibalik ang komersiyo.
‘Yan ang pinakamalaking tama!
◘◘◘
UNAHIN dapat ang construction industry.
Buksan ang mga hardware at line services kasama ang trucking.
Milyong obrero at pamilya nito ang masasagip sa gutom!
◘◘◘
HINDI relief goods ang dapat ipamigay sa mga head of the family.
Dapat bigyan sila ng protective gears upang makapagtrabaho!
◘◘◘
HINDI ang pagkilos ng tao ang problema.
Ang problema ay ang “hindi maingat” na paggalaw ng tao!
◘◘◘
I-LOCKDOWN at i-isolate lang ang mga senior citizens at mga maysakit.
Sila ang bigyang ng ayuda at pinansiyal.
‘Yan ang simpleng solusyon!
◘◘◘
SYMPTOMS lang ng COVID-19 ang dapat ginagamot.
Kayang-kaya ‘yan ng mga beteranong general physician.
Ang GP ang tunay na frontliners na dapat ayudahan ng gobyerno!
◘◘◘
LAHAT ng sintomas ng sakit ay kabisado ng mga GP o clinicians.
Sila ang gagamot sa mga may mild synptoms, PUIs at PUMs!
Pero dinededma at walang suporta sa DOH ang mga GP sa maliliit na medical clinic!
◘◘◘
KAPOS ng sentido-kumon ang mga eksperto ng gobyerno.
Lahat sila ay utak-“Koko”!





Comments