top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Nakangiti na Sto Niño, sign na dapat magsaya kahit maraming nahihirapan

  • Socrates Magnus
  • Apr 11, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ma Ester na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Tulad ng ibang sumusulat sa inyo, napanaginipan ko rin si Sto Niño. Pagpasok ko sa kuwarto namin kung nasaan 'yung altar, napansin ko na wala roon si Sto. Niño. Natakot ako, pero may isang bata nakangiti, tapos akala ko ay kapitbahay namin 'yung bata, pero si Sto Niño pala 'yun. Nawala 'yung takot ko sa panaginip, pero nang magising na ako ay natakot ako.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ma Ester

Sa iyo Ma Ester,

Nakatutuwa ang mga tao, lalo na kapag ang pag-uusapan ay ang tungkol sa mga banal na personalidad at kay God.

Sa buhay ng mga relihiyoso, very close sila kay God, pero kahit ang mga pangkaraniwang taong manamanpalataya, sasabihin nila na si God ang number one sa buhay nila. Sabi pa nga ng iba, sila ay nagmamahal kay God at marami ang nagsabi na tinanggap nila si God nang buong puso.

Tuwing magdarasal ang tao, si God ang nakikita nila dahil ito ang hiwaga ng pagdarasal kung saan nakikita ng tao si God sa kanilang pagdarasal. Napansin mo ba ang salitang "sa dasal"? Ibig sabihin, hindi aktuwal na nakikita ng tao si God.

Sabi mismo ni Lord, “Walang nakakita kahit sino kay God.” Ito rin ang sabi ng matandang Tipan na si God ay hindi puwedeng makita ng kahit sinong tao.

Ang totoo kasi, kahit nagpakita nang personal si God sa mga tao, hindi siya paniniwalaan at baka pagtawanan pa siya kapag sinabi niya na “Ako ang inyong Diyos,” nakakatawa, ‘di ba?

Pero ang nakakikilabot ay kapag bumaba sa lupa si God at nagsisigaw na siya na nga si God, baka ipako pa uli siya sa krus. Maaaring ito ang dahilan kung bakit si God ay nag-aalinlangan na muling magbalik sa huling panahon dahil malaki ang posibilidad na muli siyang ipahiya ng mga tao.

Dahil dito, si Sto Niño na lang ang nagpakita sa iyo at dahil siya ay nakangiti, ang mensahe niya ay huwag kang magpatalo sa lungkot. Sa halip, magsaya ka kahit nahihirapan ang nga tao ngayon at maging ang gobyerno ay gulung-gulo.

Magsaya ka at para magawa mo ito, ang mungkahi ay ang magrosaryo ka kung saan tututukan mo ang mga misteryo ng tuwa.

Ang mga misteryo ng tuwa ay ang mga kaganapan kung kailan si Lord Jesus Christ ay gumawa ng mga milagro at ang mga tao ay sobrang sumaya at tumindi ang kanilang pananampalataya.

Muli, magsaya ka, Ester. Ito ang mensahe ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page