Electric wristbands, isusuot sa South Korean na lalabag sa quarantine
- Lolet Abania
- Apr 11, 2020
- 1 min read

SEOUL, SOUTH KOREA – Isang kontrobersyal na hakbang ang gagawin ng gobyerno ng South Korea kung saan ipasusuot sa mga tao roon sakaling lumabag sa self-quarantine orders, ang electronic wristbands, alinsunod ito ng mahigpit na pagmomonitor sa pagkalat ng sakit na coronavirus o COVID-19.
Ayon sa Senior Health Ministry official na si Yoon Tae-ho, isinaalang-alang din nila ang privacy at civil liberty na maaaring mangyari sa magsusuot nito, na ipatutupad ng mga pulis at local administrative officials matapos ang dalawang linggong preparasyon at pagsasagawa ng electronic wristbands.
Gayundin, ani Senior Health Minister, kinakailangan ng mga awtoridad na mas epektibong monitoring dahil sa dumarami nilang mamamayan na naka-self-quarantine at matapos ilagay ang bansa sa 14-day quarantine sa mga nagsidating sa bansa mula sa abroad noong Abril 1, tulad sa nangyari pagkalat ng virus sa Europe at United States.
Subalit inamin ng opisyal ng Ministry of the Interior and Safety na si Lee Beom-seok, na may legal grounds sakaling puwersahang ipasuot sa mga tao ang wristbands dahil ito ay “insufficient”. Aniya, dapat na magbigay ang mga pulis at local officials ng consent forms bago ilagay ang devices at habang iniimbestigahan pa ang mahuhuling lalabag sa quarantine.
Ayon sa umiiral ngayong batas sa infectious diseases na ipinatutupad ng South Korea, maaaring mapan ng isang taong pagkabilanggo o multang humigit-kumulang na $8,200 ang sinumang lalabag sa quarantine orders. Gayunman ani Lee, ang mahuhuling lumabag subalit pumayag na magsuot ng wristbands ay maaaring ikonsidera para sa mas mababang kaparusahan.





Comments