Davao Occidental, nilindol ng magnitude 5.5
- V. Reyes
- Apr 11, 2020
- 1 min read

Naitala ang magnitude 5.5 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental kaninang alas-2:45 ng madaling-araw.
Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong 141 kilometro ng bayan ng Jose Abad Santos.
Batay sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity II sa mga bayan ng Kiamba, Alabel at Malungon sa Sarangani at Intensity I sa General Santos City at Tupi, South Cotabato at sa Gingoog City, Misamis Oriental.
May lalim na 52 kilometro ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan.
Walang inaasahang pinsala sa nasabing lindol ngunit, ayon sa Phivolcs, posible pa rin ang mga aftershocks.





Comments