top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Cayetano, dapat mag-sorry sa mga kapitan na sinisisi ng taumbayan dahil sa ‘fake news’ niya

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 11, 2020
  • 2 min read

DSWD, SABLAY—Sablay ang diskarte ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang gawing batayan sa mga bibigyan ng social amelioration program ng gobyerno ay ang mga nakatalang mahihirap noong 2015 census.

Hindi ba naisip ng DSWD na 2020 na ngayon at baka karamihan sa mga mahihirap na nakatala noong 2015 census ay umasenso na?

Sana ang gawing batayan ng DSWD sa mga bibigyan ng ayuda ay ang mga nakatalang mahirap noong 2019 census at hindi noong 2015, period!

◘◘◘

DAPAT MAG-SORRY SI CAYETANO SA MGA KAPITAN—Dapat mag-sorry sa mga barangay chairman si Speaker Alan Peter Cayetano sa ginawa niyang pabida sa live video sa social media noon na kesyo wala dapat piliin ang mga kapitan sa mga bibigyan ng social amelioration card, na lahat ng pamilya ay bibigyan at kahit sa isang bahay kung tatlong pamilya ang nakatira ay bigyan ng SAC form.

“Fake news” ang pabidang ‘yan ni Cayetano kasi DSWD na ang nagsabi, hindi lahat ng pamilya ay bibigyan at poorest of the poor lang ang makatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Dahil sa pabidang ‘yan ni Cayetano ay maraming residente na hindi nabigyan ng SAC form ang nagalit tuloy sa kanilang mga barangay chairman, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MALING AKALA NI PACC COMM. MANUELITO LUNA—Mali ang akala ni PACC Comm. Manuelito Luna na matutuwa sa kanya si P-Duterte nang utusan niya ang National Bureau of Investigation na imbestigahan si VP Leni Robredo sa ginagawa nitong pakikipagkumpetensiya sa gobyerno na may kaugnay sa pagtulong sa mga health workers at mamamayan na apektado ng krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Agad kasi siyang sinibak ni P-Duterte sa puwesto, dahil ayon sa Pangulo ay walang masama sa ginagawang pagtulong ni VP Leni, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page