top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong klasipikasyon ng mga COVID-19 patients — DOH

  • Madel Moratillo​
  • Apr 11, 2020
  • 2 min read

Binago na ng Department of Health (DOH) ang klasipikasyon para sa mga Coronavirus Disease 2019 patient sa bansa.

Batay sa bagong klasipikasyon, mula sa mga person under monitoring o PUM at patient under investigation o PUI ay gagamitin na ang mga terminong suspect, probable at confirmed. Nakasaad pa sa isang kautusan na pirmado ni Health Secretary Francisco Duque III, nakasaad na layon ng pagbabagong ito na makasunod sa guidelines ng World Health Organization (WHO) patungkol sa global surveillance ng covid-19 cases kung saan ang mga ginagamit na termino ay suspect, probable at confirmed.

Batay sa bagong klasipikasyon, mula sa non PUI o PUM ay magiging "hindi covid-19 case", wala naman sa bagong klasipikasyon ang termino na PUM, habang kung ang isang PUI ay wala pang test o hindi pa nasusuri, ito ay nasa kategorya ng suspect, kung siya naman ay isang PUI at hindi pa tukoy ang resulta ng pagsusuri ito ay nasa kategorya ng probable, at kung magpopositibo sa covid-19 siya ay nasa klasipikasyon ng confirmed.

Batay sa depinisyon ng suspect case sa bagong guidelines ng DOH, ito ay isang indibidwal na may lagnat, ubo o pananakit ng lalamunan at nagtungo o nakatira sa isang lugar na mayroong naiulat na local transmission ng virus, o nagkaroon ng close contact sa isang confirmed o probable case ng covid-19 sa nakalipas na 14 na araw bago nagsimula ang mga nararanasan nitong sintomas. Ikaw ay pasok din sa klasipikasyon ng suspect case kung may lagnat, ubo o hirap sa paghinga, nasa edad 60 pataas, may iba pang taglay na karamdaman, maselan ang pagbubuntis o isang health worker.

Ilalagay naman sa probable case kung ang isang suspect patient ay hindi pa tiyak ang resulta ng test o ang covid test ay ginawa sa isang hindi opisyal o accredited laboratory para sa covid. Kung positibo naman ang resulta ng ginawang pagsusuri ikaw ay nasa klasipikasyon ng confirmed case.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page