top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Takot sa COVID-19, ‘wag gawing dahilan para makapanakit ng kapwa

  • Nancy Binay
  • Apr 8, 2020
  • 2 min read

Malaki ang sakripisyo ng ating mga health workers sa laban natin kontra COVID-19.

Sa kasalukuyang pagsusulat ng pitak na ito, nasa 163 na ang namatay na kababayan natin dahil sa virus at kabilang dito ang 17 na doktor.

Sa gitna ng takot at agam-agam para sa kanilang pamilya, hindi nag-aalinlangan ang mga health workers na sumugod para gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na alagaan ang kalusugan ng mamamayan.

Sa katunayan, 700 healthcare workers ang sumagot sa panawagan ng pamahalaan para sa mga volunteer na tutugon sa COVID-19.

Kung kaya, tunay na napakalungkot na sila, kasama ang iba pa nating frontliners, ay nakararanas ng diskriminasyon at karahasan.

☻☻☻

Sa Cebu, isang nurse ang binuhusan ng chlorine ng dalawang lalakeng nakasakay sa motorsiklo. Sa Sultan Kudarat naman, isang health worker ang kinuyog ng limang kalalakihan at sinabuyan ng bleach sa mukha habang tumatawid siya ng kalsada.

May mga kaso rin ng mga frontliners na pinaaalis sa mga inuupahan nilang tirahan o tinatanggihan sa ilang mga serbisyo tulad ng transportasyon.

Nararapat lang na maparusahan ang ganitong paglabag sa mga karapatan ng mga frontliners natin.

☻☻☻

Ngunit bilang ordinaryong mamamayan, hinihimok natin ang lahat na pagnilayan kung ano ba ang nagiging pagkukulang natin o kung anuman ang nagiging kalabisan natin, sa pakikitungo natin sa iba.

Huwag sana tayong magpapadala sa takot sa virus na ito, at lalong iwasan sana natin na ang takot na nadarama natin ay ibabaling natin sa iba sa pamamagitan ng masasakit na salita o gawa.

Ngayong Semana Santa, umaasa akong taimtim tayong magdarasal hindi lang para sa kapakanan ng sarili nating mga pamilya, kundi ng kapakanan nating lahat, na siyang pangako ng ating Tagapagligtas.

At sa gitna ng pagkawala ng katiyakan dahil sa kinakaharap natin ngayon, nawa’y maging daan tayo ng pag-unawa at pagmamalasakit sa ating kapwa.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatiling sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page