top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iza, nagi-guilty na nakaligtas sa COVID-19 habang maraming namamatay

  • Vinia Vivar
  • Apr 8, 2020
  • 2 min read

Matapos gumaling sa COVID-19, inamin ni Iza Calzado na nakakaramdam siya ngayon ng survivors guilt.

“It hits you, eh, na parang how come I survived and they did not?” ani Iza sa panayam with GMA-7.

Ayon sa report ng GMA-7, ang survivors guilt ay isang sintomas ng post-traumatic disorder na nararanasan ng mga taong nabuhay sa life-threatening situations pero hindi ang mga kasabay niya.

“And then you see the number of deaths, umiiyak talaga ako,” pahayag pa ni Iza.

She added, “People are losing loved ones in three days, 'di ba? ‘Yung parang one minute, they’re there, the next, they’re not. I know what that’s like.”

Kung sana lang daw ay puwede niyang bigyan din ng energy ang mga kasabayan niya.

“I kind of wish that I was able to give some of my energy to the others, perhaps, meron kaming… we could have survived this together,” sey pa niya.

Nakahandang tumulong si Iza na magbigay ng plasma para sa experiment na isinasagawa ng Philippine General Hospital na mahanap ang gamot sa COVID-19.

“Hindi pa ako puwedeng magbigay kasi hindi pa ako 14 days from my first negative. After Easter. I'm already in touch with PGH,” she said.

♥♥♥

LJ, sobrang apektado sa COVID-19, ‘di makatulog

Inamin ni LJ Reyes na nakakaranas siya ng stress lately dahil sa nangyayari sa ating bansa. Sa kanyang Instagram account ay inamin ng aktres na hindi siya napagkakatulog and always trying different ways para makatulog.

“It’s been hard. Ako lang ba? Or kayo din? I want to share that I haven’t been sleeping well at night. Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga.

“Pero napansin ko since 3 weeks ago, mas 'di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am. And it feels like an everyday battle. Everyday trying different ways to put myself to sleep.

“Sabi sa 'kin, baka stress. At this difficult time, sabi nila, normal. Akala ko 'di ako nai-stress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it,” ang bahagi ng IG post ni LJ.

Ang nakapagpapakalma raw sa kanya ay pagdarasal.

“Pero I have been praying every single day! Every second! And honestly, it calms me down,” aniya.

Good thing na nariyan daw ang partner niyang si Paolo Contis para patawanin siya.

“Kaya rin siguro itong baliw na 'to 'yung ibinigay ni Lord sa 'kin para no dull moments! Kahit pa minsan pagod na ako sa mga jokes n'ya! Gusto n'yo ba kayo naman makarinig ng jokes n'ya?! Kahit na 'pag ganitong nagta-try akong mag-selfie, tapos bigla siyang magpapa-KSP! Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, nari-realize ko, bakit siya ang nasa tabi ko?” sey ni LJ.

Sa selfie photo na ipinost ni LJ ay makikita ang photo bomber sa likod niya na walang iba kundi si Paolo.

Marami namang netizens ang naka-relate sa nararamdamang stress ni LJ dahil sila rin daw ay talagang nag-aalala na sa sitwasyon ngayon sa ating bansa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page