Antibiotic masks ng N. Korea, kinilala ng WHO na pangontra sa COVID-19
- Lolet Abania
- Apr 8, 2020
- 1 min read

NORTH KOREA — Nag-develop ang North Korean Research Institute ng kakaibang masks, kung saan tinawag itong nano-antibiotic face masks na pangontra sa coronavirus, ayon sa report ng state-run na Korean Central News Agency (KCNA).
“Amid a nationwide emergency anti-epidemic campaign to prevent Covid-19, the Medical Instrument Institute under the DPRK Ministry of Public Health recently developed a nano-antibiotic mask with domestic materials,” pahayag ng KCNA.
Hindi katulad ng mga karatig-bansa sa East Asia, ang North Korea ay wala pang naitala ng anumang kaso ng coronavirus.
Sa report ng KCNA, ang vice director ng institute na si Ri Jae Dok ay nagsabing, “the newly-developed mask fully confirms (sic) with the technological specifications of masks recognized by the World Health Organization.”
Nilagyan ang masks ng gamot na mayroong nano-antibiotic solution na nakakatulong upang i-sterilize at nakakaalis ng germs at virus, gayundin kaya nitong i-filter ang fine dust o maliliit na alikabok, ayon sa report. Ang masks ay ginawa sa Pyongyang Medical Appliances Factory, ayon pa sa KCNA.





Comments