Yorme Isko, ang lakas magpabida, P1K lang pala ang ipantutulong sa mga taga-Maynila
- Pabs Hernandez III
- Apr 7, 2020
- 2 min read
PNP AT NBI, WALANG AKSIYON SA FAKE NEWS NI MOCHA—Ang utos ni P-Duterte sa Police National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ay dakpin ang mga nagpapakalat ng fake news ngayong panahon na may krisis ang bansa dulot ng COVID-19 at dahil d’yan ay marami nang nasampolan at matimbog na nagpapakalat ng fake news sa social media.
Ang masaklap, nang mag-fake news na naman si Mocha Uson tungkol sa mga personal protective equipment (PPE) na binili raw ng Department of Health (DOH) para sa mga health workers, na kinontra ni Dra. Sheena Ong ng The Medical City na nagsabing donasyon ito (PPE) ng SM City at hindi galing sa DOH, eh, ang PNP at NBI ay walang ginawang aksiyon laban kay Mocha, buwisit!
◘◘◘
P1K LANG ANG TULONG NI YORME ISKO SA MGA TAGA-MAYNILA—Nagbigay ang lokal na gobyerno ng Lungsod ng Maynila ng tig-P1K sa lahat ng residente sa Maynila.
Hay naku, ang lakas magpabida sa social media ni Yorme Isko Moreno, tapos sa loob ng isang buwang lockdown at baka magkaroon pa ng extension ito, eh, P1K lang ang ibibigay nilang tulong sa kanilang mga constituents sa Maynila, pwe!
◘◘◘
KAPAG NANGHINGI NG DONASYON SI MANGUSIN, HUWAG PATULAN—Isang Norman Mangusin, alyas Francis Leo Marcos ang sumisikat ngayon sa social media sa pagtulong sa mga apektado ng lockdown dulot ng coronavirus, pero ang nagtataka bakit ginagamit niya apelyidong Marcos, gayung hindi naman siya konektado sa pamilyang Marcos.
Kung bukal sa loob niya ang pagtulong ay good ‘yan, pero kung may iba siyang agenda, halimbawa na kalaunan ay manghingi siya ng donasyon sa sinuman para pantulong sa mamamayan, ang payo natin ay huwag itong patulan kasi may mga nag-post din sa social media na manraraket daw ito at kabilang sila sa naraket nito, boom!





Comments