top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lockdown hanggang April 30, aprub — P-Duterte

  • Mylene Alfonso​
  • Apr 7, 2020
  • 1 min read

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force para palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesman ng IATF na nakasaad sa rekomendasyon nila ang pagpapalawig ng ECQ hanggang sa April 30, 2020, alas-11:59 ng gabi.

Ito aniya ay agad inaprubahan ng Pangulo matapos pag-aralan.

"Yung ECQ is up to April 30,11:59 pm. Ito ang rekomendasyon ng IATF na tinanggap ni Pangulong

Duterte at in-announce na niya kagabi. Matapos ang kanyang anunsiyo binerepika ito ng IATF, ang ECQ is hereby extended until 11:59pm of April 30,” ani Nograles.

Nabatid na iiral pa rin ang mga kasalukuyang guidelines ng IATF kabilang na ang pagbibigay ng exemptions sa mga medical frontliners at iba pa.

Diskresyon na aniya ni Pangulong Duterte na i-relax ito sa ibang lugar at i-exempt ang ibang sektor depende sa public health considerations at food security.

"Lahat po ng exemption sa ECQ na na-announce na dati ng IATF, tuloy pa rin po," wika pa ni Nograles.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page