top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Iba’t ibang salik na nakapagdudulot ng rayuma

  • Shane Ludovice
  • Apr 7, 2020
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 45 years old at sa tingin ko, sa edad ko ay tila napakaaga pa para makaranas ako ng rayuma. Ano ang dahilan bakit nagkakarayuma ang tao? Sa pagkakaalam ko ay sakit lang ito ng matatanda. Gayunman, ano ba ang mainam na gawin para hindi lumala? – Belinda

Sagot

Sa ngayon ay wala pang natutukoy na tiyak na sanhi ang pagkakaroon ng rayuma.

Gayunman, maaaring dulot ito ng iba’t ibang salik. Maaaring ito ay namamana, dulot ng mga kaganapan sa paligid o dahil sa mga hormones na nilalabas ng katawan.

Maaaring ito rin ay dulot ng pag-atake ng virus o bakterya na siyang nakaaapekto sa immune sytem ng katawan upang atakihin ang sariling kalamnan ng mga kasu-kasuan.

Totoo ba na ang rayuma ay sakit lang ng matatanda?

Hindi ito totoo, sapagkat ang rayuma ay maaari ring makaapekto sa mga mas batang indibidwal mula sa edad 25 hanggang 60. Bagama’t mas mataas ang posibilidad na umatake ito sa mga matatanda.

May gamot ba para sa rayuma?

Maraming paraan upang magamot at maibsan ang pananakit at pamamaga ng kasu-kasuan na dulot ng rayuma. Maaring ito ay sa paraan ng pag-inom ng gamot, sapat na pahinga at ehersisyo at surgery o operasyon.

Ang mga gamot na nakatutulong na maibsan ang sintomas ng rayuma ay ang mga sumusunod:

  • Mga gamot kontra pamamaga tulad ng aspirin, ibuprofen at naproxen

  • Mga gamot na ipinapahid sa bahaging apektado ng rayuma

  • Narcotic medicine na pangontra din ng pananakit

  • May malalakas na gamot na nakatutulong pigilin o pabagalin ang paglala ng rayuma

Ang balanseng pagpapahinga at pag-eehersisyo ay mahalaga sa paggamot ng rayuma. Sa pagkakataong nagkakaroon ng pamamaga at pananakit, mas mainam na ipahinga ang mga kasu-kasuan. At kung humupa na ang nararamdamang pananakit, mas mabuting mag-ehersisyo upang maiwasan ang paninigas ng kasu-kasuan at mapanatiling malakas ang mga kalamnan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page