Horoscope | Abril 07, 2020 (Martes)
- Maestro Honorio Ong
- Apr 7, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Abril 7, 2020 (Martes): Pansamantala lang ang pagdating ng hindi magagandang kapalaran dahil hindi puwedeng hindi ka mabuhay sa kasaganaan at kaligayahan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkakatotoo ang naiisip mong kahit madadagan ang mga araw ng pananatili sa loob ng bahay, maiksing panahon lang ang idaragdag at malaya na ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagkatapos ng paghihirap, mabilis mong isagawa ang mga plano na binuo mo noong ikaw ay nasa loob ng bahay. Bilisan mo ang pagkilos nang sa gayun ay mabawi mo ang mga nawala sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.
GEMINI (May 21-June 20) - Tinatalo ka ng sobrang pagkainip. Iwasan mo na ang iyong inip ay maging pagkabagot dahil kapag ganu’n ang nangyari, mawawala ka sa tamang diskarte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.
CANCER (June 21-July 22) - Kumapit ka sa pagiging matiisin mo. Ang totoo nga, sa buhay mo ay marami ka nang pinagdaanang hirap at pagtitiis kaya ang kasalukuyang hirap ay iyo ring malalagpasan. Masuwerteng kulay-green.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka pa kahit parang nagsasawa ka nang tumulong sa iyong kapwa. Nakamasid sa iyo ang langit, kaya muli, ang gantimpala mo ay magiging malaki at marami kaysa sa mga napasaiyo na. Masuwerteng kulay-yellow.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaya ang isipan mo at katawan lang ang kapos sa kalayaan. Ang malayang kaisipan mo ay mapakikinabangan mo sa pamamagitan ng magagandang ideya na mabubuo mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dadalawin ka ng magandang kapalaran at ito ay ang ilang suwerte na hindi mo inaasahan. Sa araw na ito, parang nakatanikala ka sa loob ng bahay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangamba dahil may mga kaibigan ka na handang umalalay sa iyo. May mga kaibigan ka rin na iiwas sa iyo kaya mas mabuting ibasura mo na sila o alisin mo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sama-sama, mas malakas kaysa sa nag-iisa. Malakas ka pero mas lalakas ka kapag ang iyong mga abilidad ay isinama mo sa kakayahan ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumaban ka dahil ang buhay sa mundo ay pakikipaglaban. Ang ayaw lumaban ay ibibilang sa mga talunan. Hindi ka isinilang na talunan dahil ikaw ay para sa hanay ng mga panalo. Masuwerteng kulay-black.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa at masayang balita para sa iyo na pahabain man ang pananatili sa loob ng bahay, hindi naman sobrang haba ng mga araw na idaragdag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag walang gaanong aktibdidad ang tao, dapat na samantalahin niya ang pagbabalik sa kanyang nakaraan nang sa ganun ay sa muli niyang pagbabalik, siya ay tiyak na magtatagumpay. Masuwerteng kulay-peach.
![endif]--![endif]--




Comments