Dumating na 12 Chinese medical expert, 'di na kailangang i-quarantine — DOH
- Madel Moratillo
- Apr 7, 2020
- 1 min read

Nilinaw ng Department of Health na hindi na kailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine ang 12 Chinese medical expert na dumating sa bansa para tumulong sa laban sa COVID-19.
Paliwanag ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire, bago nagtungo sa bansa ay sumailalim na sa pagsusuri ang mga nasabing eksperto at negatibo naman sila sa virus.
Ang mga ito ay mananatili aniya sa bansa sa loob lamang ng 15 araw o hanggang Abril 19.
Muli ring iginiit ni Vergeire na advisory lamang at pag-share ng kanilang mga kaalaman at kakayahan ang gagawin ng mga nasabing doktor kaugnay sa kanilang naging karanasan sa paglaban sa COVID-19 sa kanilang bansa.
Una nang sinabi ng DOH na ang paghiling nila na makapunta ang mga nasabing Chinese medical experts sa bansa ay para matulungan ang Pilipinas na mapababa rin ang kaso ng COVID sa bansa.





Comments