Biyuda na natatakot na walang makain ang 2 anak dahil nawalan ng trabaho
- Roma Amor
- Apr 7, 2020
- 1 min read

Dear Roma,
Tawagin mo na lang akong Magi, 35 years old. Biyuda na ako, may dalawang anak at sales girl sa isang mall. Mula nang magkaroon ng community quarantine, lalo na rito sa amin sa Quezon City ay napakahigpit at hindi na kami makalabas ng bahay kaya wala rin akong trabaho. Gayundin, nauubos na ang stock naming pagkain at nahihirapan na rin ang mga anak ko. Naaawa ako sa kanila, kaso wala naman akong magawa, gusto sanang lumabas at maghanap ng pagkakakitaan habang wala pang pasok, pero natatakot ako na mahawa sa sakit. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa, na kapag nagtagal pa ito ay baka may mangyaring hindi maganda sa pamilya namin at paano kami mag-survive. – Magi
Magi,
Lahat tayo ay dumaraan ngayon sa ganitong sitwasyon. Napupuno ang isip at puso natin ng takot at pinanghihinaan na rin ng loob. Pakiramdam natin wala na tayong pag-asa dahil sa pandemya. Kahit ang gobyerno natin ay nahihirapan dahil buong mundo na ang apektado. Totoong wala pang natutuklasang gamot para rito at sadyang nakakaalarma, pero huwag mong hayaan na panghinaan ka ng loob at mawalan ng pag-asa dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat para malutas ang matinding problemang ito. Higit sa lahat, mayroong Diyos na nakatingin at gumagabay sa atin.





Comments