Tigre sa New York, positive sa COVID-19
- BRT
- Apr 6, 2020
- 1 min read

Isang apat na taong gulang na babaeng Malayan Tiger sa zoo sa New York City ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019.
Sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng National Veterinary Services Laboratories sa US Department of Agriculture, ito ang unang pagkakataon na may tigre na nagpositibo sa sakit.
Kinuhanan ng sample ang tigre na si Nadia matapos siyang makitaan ng respiratory illness.
Habang ang iba pang tigre sa Bronx Zoo ay nakitaan din ng sintomas.
Samantala, maayos naman ang ipinakikitang pagtugon ng mga tigre at leon sa gamutan kaya inaasahang sila ay gagaling.




Comments