top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Na-love at first sight sa text mate, makakatuluyan dahil sa magandang Marriage Line

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 6, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. Nagkaroon ako ng text mate at sa unang pagkikita pa lang namin, nahulog agad ang loob ko sa kanya, hanggang sa humantong sa pagde-date at pagtatalik.

  2. Kumonsulta ako sa inyo, Maestro, upang malaman kung kami na ang para sa isa’t isa? Kapag kami ay naging mag-asawa at nagsasama na, magiging maligaya at magiging matagumpay ba ang bubuuin naming pamilya kahit halos wala pang isang buwan kaming nagkaroon ng relasyon ay nagbabalak na kaming magpakasal?

Kasagutan

  1. Sa pag-ibig, sabi ng mga atat na atat, “Walang mabilis at mabagal basta’t nagmamahalan,” sabi naman ng matatanda dito sa Bulacan, lalo na ng mga sinaunang lola, “Malandi, (sabay pingot sa tenga) ngayon mo lang nakita ang damuhong lalaking ‘yan, sumama at nagpagamit ka agad!” Ngunit anuman ang mangyari, mapalad ka pa rin dahil kayo na ang magkakatuluyan ng boyfriend mo.

  2. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isa, tuwid at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na minsan lang mai-in love ang tao at ang minsanang ito na biglaang pagtibok ng puso ay parang kidlat na mabilis at magsisilbing simula at kahuli-hulihang pag-ibig.

  3. Ibig sabihin, grabe ka kung ma-in love at totohanan, ngunit may rason o katwiran pa rin dahil sa ipinamalas na mala-straight na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) at Head Line (H-H arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kumbaga, ang panahong ito sa iyong bahay ay batid mong panahon na ng pag-aasawa, kaya ang naka-text mo ay siya na ngang pinagkalooban mo ng iyong sarili at pagkababae dahil nararamdaman at naiisip mong kayo ang itinakda para sa isa’t isa.

  4. Ang nakatutuwa pa nito, hindi nagkamali ang isip at damdamin mo dahil umaayon ito sa tadhana – sapagkat minsan pa, sa libu-libong indibidwal ay napakasuwerte mo sapagkat naranasan mo ang pambihirang bagay sa larangan ng pagsinta – ang umibig sa unang pagkikita at ang unang pag-ibig na ito ay tuluy-tuloy na rin sa maligaya at panghabambuhay na pagsasama.

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Ms. Libra, nakatakda na ang mangyayari sa susunod na taon. Sa edad mong 23 pataas, itatala sa iyong kapalaran ang mabilisan pero masaya at panghabambuhay na pag-aasawa sa piling ng kasalukuyang boyfriend mo na nagtataglay ng zodiac sign na Gemini.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page