top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Makabuluhang buhay ang pagtulong sa mga mahihirap at paglikha ng mga reporma na makatutulong sa baya

  • Bobi Tiglao
  • Apr 6, 2020
  • 2 min read

Marami na akong naisulat na artikulo tungkol sa COVID-19 pandemic, tulad ng mungkahi sa gobyerno kung paano ito haharapin, paalala sa ating mga mambabasa upang mapanatili silang ligtas sa nakahahawang sakit na ito at marami pang iba.

Ngunit hindi ko akalain na ang pinakamatalik kong kaibigan na si Renato “Rene” Velasco ay nahawahan ng COVID-19, nagkaroon siya ng pneumonia noong Huwebes at napakabilis ng mga pangyayari dahil pumanaw na ito noong Sabado.

“Doc” ang madalas kong itawag sa kanya, hindi dahil sa doktor siya ng medisina, pero dahil siya ay “Doctor of Philosophy” ng “Political Science”.

Matagal naging propesor sa UP at aktibista kami ni Rene noong kabataan namin kaya nakagawian naming “kasama” ang itawag sa isa’t isa.

Noong kabataan namin ay pareho kaming komunista at ang ideolohiyang ito ang nagpapaliwanag sa amin kung bakit may mahirap at may mayaman, at kung bakit at paano kinakailangang magkaroon ng rebolusyon para mapalaya ang mga mahihirap.

Subalit hindi kami tulad ng mga tumanda na ay komunista pa rin, bale, naging hanapbuhay na ang pagiging aktibista at hindi natuto sa pagdaan ng panahon.

Nakita rin naming iba talaga ang tuntunin ng Partido Komunista kung saan inilagay lang si Jose Ma. Sison ang pangkat niya sa estado at poder.

Sumama si Rene sa gobyerno sa pag-iisip niyang sa gobyerno siya makagagawa ng mga bagay-bagay na makatutulong sa mga mahihirap, hindi lang sa pagbigiay ng tulong pero sa pagkakaroon ng mga reporma na makakatulong sa bayan.

Unang nagtrabaho si Rene kay Senador Edgardo Angara, pero kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo siya matagal na nagsilbi, mula noong senadora pa lamang ito hanggang naging pangulo.

Halos pareho kaming mag-isip at pareho ang tingin namin sa mga pangyayari at sitwasyon. Marami ring natulungan si Rene noong nasa Palasyo siya at nagsulong ng mga reporma sa gobyerno.

Kaya naman, malungkot ako, gayundin, ang marami naming kasamahan sa kanyang pagpanaw. Isa siyang masayahing tao, matulungin, matalino at tunay na nagseserbisyo sa bayan. Nagiging masaya ang mga tao kapag kasama siya sa mga salu-salo. Nagiging makabuluhan kung kasama siya sa mga talakayan ng mga isyung kinahaharap ng bayan.

Paalam, Rene, napakamakabuluhan ng iyong buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page