Kayang maka-survive sa lockdown, 'wag nang makihati sa tulong ng gobyerno — IATF
- BRT
- Apr 6, 2020
- 1 min read

Umaapela ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease sa mga may maayos na trabaho na huwag nang makisali sa cash assistance program na ibinibigay ng gobyerno sa mga mahihirap na pamilyang naapektuhan ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng IATF, mas makabubuting bigyan na lamang ng pagkakataon ang mga mahihirap na pamilya na makaahon sa gitna ng enhanced community quarantine.
"You should just let the poor receive the aid. Voluntary basis. If you are well-off and you can survive the enhanced community quarantine, just sacrifice and allow your needy neighbors to benefit from it," ani Nograles.
Malinaw naman aniya na target ng social amelioration program ang mga nasa informal sector na walang pinagkakakitaan ngayon.
"If you are an employee and you are from the formal sector, don't avail. You are receiving salaries from your company, why join the program?" dagdag pa nito.





Comments