top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pasikat lang yata ang 75% ng suweldo ng mga gabinete ay ipantutulong sa mahihirap

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 5, 2020
  • 2 min read

75% NG SUWELDO NG MGA GABINETE, IPANTUTULONG O PASIKAT LANG?—Walang kasiguraduhan kung matutupad ang sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) Cabinet Sec. Karlo Nograles na ang 75% ng suweldo ng mga miyembro ng Gabinete ni P-Duterte ay ibibigay na pantulong sa mga mahihirap na apektado ng krisis kasi madali lang namang magsalita nang ganyan sa publiko.

Pero sa totoo lang, mahirap patunayan kung gagawin talaga nila ‘yan o boladas lang para magpasikat sa publiko, boom!

◘◘◘

KALAHATI NG P8.28 BILYONG BUDGET NI P-DUTERTE, DAPAT IPANTULONG SA MAHIHIRAP—Ipagpalagay na natin totoo ang sinabi ni Nograles na ibibigay nilang pantulong ang 75% buwanang suweldo ng mga miyembro ng Gabinete, pero kung kukuwentahin ay baka hindi pa ito umabot ng P100 milyon na sobrang liit para sa pangangailangang tulong ng milyun-milyong Pinoy na apektado ng krisis.

Sana, para malaki-malaki, ang dapat ginawa ng grupo ni Nograles ay pinakiusapan si P-Duterte na ang kalahati ng P8.28 billion budget ng Office of the President (OP) ay ipantulong na lang sa mahihirap na mamamayan kasi kapag napapayag nila ang Pangulo, maraming maralitang Pinoy ang tiyak mabibiyayaan ng P4.14 bilyon, period!

◘◘◘

NAKASAAD SA BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT NA 18 MILYONG MAHIRAP NA PINOY LANG ANG TUTULUNGAN—May kumakalat sa social media na ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, wala raw dapat piliin ang mga kapitan sa pamimigay ng form ng Social Amelioration Card (SAC) na ang dapat lahat ay bigyan ng SAC form para mabigyan ng P5K hanggang P8K ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kung totoong may sinabing ganyan si Cayetano, taliwas ‘yan sa nakasaad sa ‘Bayanihan to Heal As One Act’ na ang 18 milyong mahihirap lang ang bibigyan ng tulong.

Dapat linawin ni Cayetano ang isyung ‘yan para hindi nababatikos ang mga kapitan na namimili sila ng binibigyan ng SAC form dahil sinunod lang nila utos ng gobyerno na mga mahihirap lang bigyan ng SAC form, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page