top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gusto nang iwanan ng mister dahil sa ibang girl, ‘di dapat mabahala dahil ‘di pababayaan sa sustento

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 5, 2020
  • 3 min read

Dear Maestro,

Anong kapalaran ang naghihintay sa aming pamilya? December 3, 1986 ang birthday ko at December 10, 1987 naman ang mister ko. Nakikipaghiwalay na siya sa akin, pero malapit pa rin naman kami sa isa’t isa. Ibig sabihin, gusto niya na tanggapin ko na lang ang pagiging babaero niya, pero magiging maayos pa rin kami sa isa’t isa at hindi niya kami iiwanan. Kaya lang, hindi ko kaya ‘yung ganu’n dahil ang masakit pa rito, siniseryoso niya ‘yung babae niya, hindi tulad ng ibang lalaki na nambabae lang pero hindi siniseryoso at hindi iniiwanan ang pamilya.

Sa palagay mo, Maestro, magbabago pa kaya ang msiter ko? May dalawa kaming anak at naaawa ako sa mga bata kapag naghiwalay kami dahil sila ang unang maaapektuhan nito.

Umaasa,

Yols ng Guyong, Santa Maria, Bulacan

Dear Yols,

Ang birth date mong 3 ang nagsasabing magiging panay talaga ang sakrispisyo at pagtitiis na dadanasin mo kaya mas mainam na ihanda mo ang iyong sarili sa ganyang mga sitwasyon, gayung nagkataon na bukod sa numerong 3 na birth date mo, ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 3 (12+3+1986=2001/ 20+01=21/ 2+1=3).

Ibig sabihin, ang kadalasan mong magiging problema ay may kaugnayan sa damdamin at emosyon. Kaya anuman ang nangyayari sa inyong mag-asawa, ihanda mo na ang iyong sarili at ipagpasalamat sa Diyos dahil kahit na papaano ay hindi kayo grabeng nag-aaway ng mister mo at sa halip ay magkasundo pa rin kayo kahit may kinalolokohan siyang ibang babae.

Samantala, posible rin ang iniisip ng mister mo kung saan maaari kayong magkasundo sa kabila ng pambababae niya. Ito ay dahil ang birthday niyang December 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) ay halos magkalapit lang sa birthday mong December 3 kung saaan pareho kayong sakop ng zodiac sign na Sagittarius. Ibig sabihin, kung lalawakan mo ang iyong pang-unawa at isipan, maaaring tuluy-tuloy pa rin ang sustento at intrega ni mister at pagpapaaral sa kanyang mga anak habang siya ay nambababae kaysa tuluyan ka na niyang layasan kung sakali mang tuluyan kayong mag-aaway at hindi magkasundo. Pero kung dumating man ang punto na tuluyan ka niyang layasan at sumama siya sa babae niya, ang tanging alas o baraha mo ay ang ipagharap siya ng reklamo sa hukuman na malaking problema rin dahil hindi biro ang ganu’ng mga bagay o legal remedy, pero puwede rin ‘yun para makasigurado ka na susustentuhan niya ang mga anak ninyo.

Samantala, dahil strong number ang birth date na 10 o 1 ni mister (1+0=1), malamang na wala kang magagawa sa kagustuhan niya kundi sumunod sa kanyang suhestiyon at patuloy na maging mahinahon dahil ang totoo nito, kahit hindi ka sumunod sa kagustuhan ng iyong asawa, ang kagustuhan pa rin naman niya ang matutupad at mangyayari.

Ang pinakamabuti ngayon ay mag-isip ka ng iba pang source of income at paghandaan mo ang panahong baka hindi ka na sustentuhan ni mister o kaya ngayon pa lang ay planuhin mo na ang kinabukasan ng iyong mga anak. Ang birth date na 5 at 14 ng iyong dalawang anak ang siguradong magbibigay sa inyo ng suwerte at magandang kapalaran pagdating ng tamang panahon.

Sa ganyang paraan, anuman ang maganap, manatili man o hindi sa iyong piling ang iyong mister na malabong mangyari dahil tugma kayo sa zodiac sign, makatitiyak pa rin ang pamilya mo, lalo na ang iyong mga anak ng maunlad, maligaya at masaganang karanasan habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page