12 Chinese medical experts, darating ngayong araw — DOH
- BRT
- Apr 5, 2020
- 1 min read

Darating na sa Pilipinas ngayong araw, Abril 5, ang 12 Chinese medical workers na mga eksperto sa pagtugon sa Coronavirus Disease 2019.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang nasabing mga Chinese experts ay mga doktor at nurse na mag-oobserba at magbibigay ng rekomendasyon sa ginagawang hakbang ng gobyerno laban sa sakit.
Nakatakda ring magtungo ang mga eksperto sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Lungsod ng Muntinlupa; San Lazaro Hospital sa
Maynila at Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
Mananatili naman ang mga ito sa bansa hanggang Abril 19.





Comments