P4-K tulong sa jeep, trike at pedicab drivers, naibigay na
- BRT
- Apr 2, 2020
- 1 min read

Nagsimula nang makatanggap ng P4,000 na tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep at pedicab ng Taguig bilang tugon ng pamahalaan sa epekto ng COVID-19.
Kabilang sa mga unang nakatanggap ay ang halos 700 kasapi ng SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA, MPC at CBDCUBTODA.
Napag-alaman na mahigit 15,000 ang miyembro ng mga asosasyon ng traysikel opereytor at drayber (TODA), jeepney opereytor at drayber (JODA) at pedicab opereytor at drayber (PODA) sa lungsod.
Bukod sa cash, may hiwalay ding tulong na food packs na nauna nang ipinamahagi.
Ayon kay Arvin Penolio, presidente ng UBTODAI, tanggap nila kung bakit pinagbabawal muna ang pamamasada dahil sa enhanced community quarantine at ito ay para maging ligtas ang lahat.





Comments