top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mayor Vico, walang nilabag na batas — DILG

  • V. Reyes​
  • Apr 2, 2020
  • 1 min read

Walang nakikita si Interior Secretary Eduardo Año na paglabag ni Pasig City Mayor Vico Sotto nang naisin nitong mapayagan ang pagbiyahe ng mga traysikel sa gitna ng umiiral na lockdown sa Luzon dahil sa paglaganap ng Coronavirus Disease 2019.

Kasunod ito ng pagpapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Sotto kaugnay umano ng pagsuway nito sa itinatadhana ng Bayanihan to Heal As One Law.

"Para sa akin, wala naman siyang violation doon dahil noong nalaman niya na hindi pinayagan, hindi naman siya tumuloy," ani Año.

Hindi agad sumunod noon si Sotto sa direktiba ng gobyerno na suspindihin ang biyahe ng lahat ng pampublikong transportasyon sa Luzon bilang bahagi ng mga panuntunan ng enhanced community quarantine.

Gayunman nang mapagsabihan si Sotto na sumunod at nang makahanap ng alternatibong paraan upang maihatid at sundo ang mga health workers at residenteng may emergency sa kanilang lungsod, itinigil na nito ang pagpapabiyahe sa mga traysikel.

Sa kabila nito, naniniwala si Año na kayang idipensa ni Sotto ang kanyang sarili sa sandaling tuluyan siyang kasuhan ng NBI.

"Ako naman naniniwala na Mayor Vico can fully explain and defend himself if ever there is a charge against him," ayon sa kalihim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page