top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mayayamang tao sa mundo, tagilid tamaan ng COVID-19 kumpara sa mga maralitang miyembro ng lipunan

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 2, 2020
  • 1 min read

MGA MAYAYAMAN, NADADALE NG COVID-19—Kapuna-puna sa mga naglalabasang balita na karamihan sa mga ay tinatamaan ng COVID-19 ay mayayaman.

Kabilang sa mga nadale ng virus sa buong mundo ay prinsipe, prinsesa, prime minister, asawa ng presidente, business tycoon, mayayamang pulitiko, gov’t. officials at celebrity.

Samantalang ang mga basurero, tsuper at iba pang obrerong miyembro ng lipunan ay tila bihira lang ibalita na tinamaan ng COVID-19.

Hindi kaya, mayayaman lang ang target ng COVID-19? Hmmm…

◘◘◘

KRISIS NA PERO MAY NANGUNGURAKOT PA RING TAGA-DOH?—Nabisto na overpriced ang biniling 1 milyong pirasong Personal Protective Equipment (PPE) ng Department of Health (DOH) dahil P1, 800 ang pagkakabili nila kada piraso, gayung P400 lang pala kada piraso ang bili ni Vice-Pres. Leni Robredo.

Napakasalbahe naman ng mga buwaya sa DOH kasi krisis na, nangungurakot pa sila, mga buwisit!

◘◘◘

KUNG MAGSASAKA ANG SINUPORTAHAN, HNDI SANA NAKAKAPANGAMBANG MAUBUSAN NG BIGAS ANG ‘PINAS—Tila kakapusin na sa supply ng bigas ang bansa kasi nakikiusap si Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesman Cabinet Sec. Karlo Nograles sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na pagbentahan ng 300 metriko toneladang bigas ang Pilipinas.

Kung hindi sana inaprub ni P-Duterte ang Rice Tariffication Law at sinuportahan na lang ang mga magsasaka, eh, ‘di sana ay hindi nangangamba ang gobyerno na kapusin ng supply ng bigas ang bansa sa panahon ng krisis, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page