top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Delivery boy sinapak, pinagmumura; buking na nagpaputok pa... Lalaki, kulong sa pagyayabang ng baril

  • V. Reyes
  • Apr 2, 2020
  • 1 min read

Photo: Screen fb @Anthony Ludalvi Vistá (left)

Dinampot ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking nagyabang umano ng kanyang mga baril sa gusali ng Eastwood City Cyberpark sa Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Batay sa paunang impormasyon ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakatanggap sila ng reklamo na noong Marso 30 ay naglabas ng kanyang mahabang armas ang suspek na si Jose delos Santos III, 46, habang nasa loob ng gusali kung saan siya naninirahan.

Bago ito, nabatid sa QCPD na tumanggap ng delivery si Delos Santos na hindi para sa kanya. Makikita naman sa nag-viral na video sa social media na sinapak ni Delos Santos ang delivery boy ng fastfood chain habang nasa lobby ng gusali at sinundan pa nito ang tumakbong papalabas na biktima at pinagmumura.

Habang sinisiyasat ang insidente ay muling nakatanggap ng reklamo ang QCPD na naglabas na naman ng kanyang armas si Delos Santos na nagdulot ng panic sa mga tao roon.

Agad na nagdispatsa ng mga tauhan ang QCPD para imbestigahan ang suspek sa kanyang tinutuluyan.

Kabilang sa nakumpiska mula sa suspek ay ang isang 9mm ANGSTADT ARMS, isang 9mm GLOCK pistol at isang hand grenade.

Batay pa sa dalawang video na itinuturong kuha umano ng suspek, parehong pinaputok ang isang 9mm na baril at isang long firearm mula sa bintana ng unit ni Delos Santos.

Nahaharap ngayon si Delos Santos sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Republic Act 9516 o illegal possession of explosives. Irerekomenda ng QCPD na mabawi ang rehistro ng baril ng suspek at ang kanyang lisensiya na makapagbitbit ng armas sa labas ng bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page