COVID-19 mass testing, posibleng simulan na sa Abril 14
- V. Reyes
- Apr 2, 2020
- 1 min read

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na masimulan sa Abril 14 ang mass testing sa mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19.
Kumpiyansa si Secretary Carlito Galvez na maipupursige ang mass testing makaraang bigyan ng akreditasyon ng Research Institute on Tropical Medicine (RITM) ang siyam na ospital para sa COVID-19 testing.
"On massive testing for PUIs and PUMs, we are also determined to fast-track the accreditation of substantial laboratories so we can start with the mass testing of the PUIs and PUMs," pahayag ni Galvez.
"We expect that by April 14, we should be able to start massive testing," pagdedeklara ng opisyal.
Nauna na ring itinutulak ng mga mambabatas at iba pang grupo na makapagdaos na ang Department of Health (DOH) ng massive COVID-19 testing para matukoy na ang lahat ng mga posibleng maging positibo sa virus.





Comments