World governing football FIFA, nag-donate ng $2.7 B
- Rafaella Garcia
- Apr 1, 2020
- 1 min read

Hindi lamang ang mga propesyunal na liga sa bansa ang apektado ngayon ng lumalaganap na coronavirus, kundi pati na rin ang mga malalaking liga gaya ng world football ay apektado rin.
Dahil sa pagbaba ng ekonomiya sanhi ng pandemic na idineklara ng World Health Organization (WHO) sa buong mundo, ay naapektuhan din maging ang malilit na merkado ng football sa buong mundo.
Dahil dito ay napagpasyahan ng FIFA, ang international governing body ng football na isalba sa pamamagitan ng kanilang nakareserbang pondo ang mga nasabing merkado.
Kasalukuyang pinag-iisapan ngayon ng mga opisyales ng FIFA kung paano nila ipamamahagi ang nasabing pondo matapos na umapela ang mga miyembro ng mga global players' union. Target nila na mabiyayaan ang mga maliliit na merkado ng football kaysa ang kanilang tinatawag na elite end of the game.
Walang anumang malalaking liga sa buong mundo ang hindi naapektuhan ng kumakalat na COVID-19 kung saan lahat ng laro ay iniwang suspendido ng professional league.
Handa ang FIFA na tulungan ang komunidad ng soccer gayung may malaking halagang nakatabi ang nasabing pederasyon na $2.745 billion, na kanilang ipantutustos sa mga nangangailangang miyembro.
"FIFA is working on possibilities to provide assistance to the football community around the world after making a comprehensive assessment of the financial impact this pandemic will have on football," pahayag mismo ng mga opisyales ng FIFA ayon sa report.
Si FIFA President Gianni Infantino at ang kanyang bise-presidente ang mga unang sumang-ayon na ipamahagi ang pondo ng pederasyon sa mga miyembro nito.
Uunahin ng FIFA na bigyan ng tulong ang mga maliliit na miyembro ng Soccer clubs upang makatanggap ng nasabing ayuda.





Comments