top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Samboy Lim nagdiwang ng simpleng kaarawan

  • Rafaella Garcia
  • Apr 1, 2020
  • 1 min read

Isang simpleng selebrasyon ang isinagawa ng pamilya ni Avelino ‘Samboy’ Lim upang ipagdiwang ang kanyang ika-58 na kaarawan, ngayong Abril 1.

Ang dapat sana'y isang espesyal na handaan na pinlano ng kanyang pamilya ay hindi na natuloy dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sanhi ng COVID-19.

Ayon sa pamilya ni Lim, mas makabubuti na ikansela na lang nila ang naunang plano upang maiwasan ang aberya at unahin muna ang pagsunod sa gobyerno.

Ngunit kahit ganun ay pinilit pa rin ng pamilya ng tinaguriang The Skywalker ng PBA na maging espesyal ang simpleng selebrasyon.

Si Lim ang isa sa mga pinagpipitaganang PBA legends na nag-iwan ng marka sa liga kung saan ang kanyang taas ng talon sa ere ang naging dahilan kung bakit siya tinawag na The Skywalker.

Noong 2014 nang makaranas ng cardiac arrest si Lim at na-comatose habang nasa Legends Game na ginanap sa Ynares Sports Center sa Pasig.

Bigla na lamang itong bumulagta habang nasa naturang venue at agad dinala sa ospital.

Sa kasalukuyan ay umiinam na ang lagay ng nasabing PBA great, kung saan hindi na ito nakahiga lamang o bedridden, ngunit nagsimula na ulit itong umupo sa tulong na rin ng kanyang mga therapist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page