DSWD at DOLE, ang dapat bulabugin sa pinansiyal na tulong, hindi ang mayor at kapitan
- Pabs Hernandez III
- Apr 1, 2020
- 2 min read
MAYOR AT KAPITAN, PINAGMUKHANG KORUP NI P-DUTERTE SA PUBLIKO—Sa pagharap ni P-Duterte sa publiko, ang inabangan ng lahat ay ang detalye sa distribusyon sa P275 bilyon pondo ng bayan na inaprub ng Senado at Kamara bilang pangtulong ng national gov’t. sa mahihirap na naapektuhan ng enhance community quarantine dulot ng COVID-19, pero walang sinabi tungkol dito ang Pangulo at sa halip ay pinagmukha nitong korup ang mga mayor at barangay chairman nang sabihing kakasuhan at ipakukulong niya ang mga ito kapag hindi ibinigay ang ayuda sa mamamayan.
Dahil ang akala ng taumbayan ay nasa mga local government units (LGU) na ang P275 bilyon kaya ang mga mayor at kapitan ang sinasabihang korup ng netizens sa social media dahil ayaw pa ibigay ang pinansiyal na tulong sa kanila ng gobyerno, boom!
◘◘◘
DSWD AT DOLE ANG MAGPAPAMIGAY NG PINANSIYAL NA TULONG, HINDI MAYOR AT KAPITAN—Para sa kaalaman ng publiko, hindi mayor at kapitan ang magpapamigay ng financial support sa mga nawalan ng hanapbuhay, kundi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) at ang papel lang ng mga LGU ay ibigay ang listahan ng mga mahihirap sa kanilang mga nasasakupan.
Kaya kapag hindi agad naibigay ang pinansiyal na tulong, hindi mayor at kapitan ang dapat batikusin ng publiko, kundi ang mga galamay ni P-Duterte sa DOLE at DSWD, period!
◘◘◘
GOOD NEWS ANG IBALITA, HUWAG PALAGING BAD NEWS—Sa latest data ng Worldometer Statistics, sa 785,807 taong tinamaan ng coronavirus sa mundo ay 165,659 na ang gumaling at 552,840 naman ang nasa mabuti ng kalagayan.
Dapat good news naman ang ibalita at hindi puro bad news na pagbibilang ng mga namatay na nagdudulot ng labis na takot sa mga tao sapagkat ang akala nila kapag tinamaan sila ng coronavirus ay dedbol agad sila, boom!





Comments