Pagpapadala ng relief goods sa LGUs, walang delay — DSWD
- BRT
- Mar 31, 2020
- 1 min read

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na hindi magkakaroon ng delay sa pagpapadala ng relief goods sa mga local government units (LGUs).
Ito ay bahagi umano ng kanilang resource augmentation support sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.
Kaugnay nito, ang Family Food Pack (FFP) boxes ay may lamang anim na kilo ng bigas, apat na sardinas, apat na corned beef at beef loaf, anim na pakete ng kape o cereal energy drink.
Tiniyak din ng DSWD na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga LGUs para sa maagap na serbisyo.





Comments