top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malabo ang Travel Line kaya dapat pang magsikap para makapag-abroad

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 31, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. Naisipan kong kumonsulta sa inyo upang itanong kung kailan ako makapag-a-abroad? August 19, 1993 ang birthday ko at nakatapos ako ng welder sa Tesda at may isang anak na ako sa live-in partner ko na isinilang noong December 15, 1994.

  2. Gayundin, maiaahon ko ba sa kahirapan ang pamilya?

Kasagutan

  1. Kapansin-pansin na medyo malabo at parang may hadlang ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, mas maganda kung patuloy ka pang magte-training sa natapos mong kurso at magdagdag pa ng experience upang kapag marami ka nang alam sa iyong larangan, maaaring dumating din naman ang tamang panahong makapag-a-abroad ka, gayumng bata ka pa.

  2. Gayunman, ang birth date mong 19 o 1 (ang 19 at 1+9=10/ 1+0=1) ang nagsasabing kahit medyo manipis at hindi pa masyadong malinaw ang mga guhit sa kaliwa at kanan mong palad, dahil nagkataong one (1) ang birth date mo, tulad ng nasabi na, basta magpatuloy ka sa pagsisipag at pagsisikap habang iwasan mo ang tukso ng mga kalalakihan at seryosong relasyon, tiyak ang magaganap, darating ang panahong sisikat at uunlad ka sa iyong larangan dahil ang ruling planet ng birth date mong 1 ay Sun, tulad din ng zodiac sign mong Leo kung saan higit na nangingibabaw sa iyong tadhana ang sikat at nining ng Haring Araw na maghahatid sa iyo ng malalaking at bultong suwerte at magagandang kapalaran sa malapit na hinaharap.

DAPAT GAWIN

John Michael, sa panahon ngayon, wala kang dapat gawin kundi ipagpatuloy mo ang iyong naumpisahang propesyon bilang welder, dagdagan mo pa nang dagdagan ang iyong karanasan at magpaka-dalubhasa ka sa napili mong larangan. Tulad ng nasabi na, may malabo pang travel line ang kaliwa at kanan mong palad, pero umasa kang darating ang eksaktong panahong lilinaw at kakapal din ang nasabing Travel Line (Drawing A, at B. t-t arrow a.) na nakatakdang mangyari sa 2021 hanggang 2023 sa edad mong 27 pataas.

Sa panahong nabanggit, may mabubunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran hanggang sa tuluy-tuloy mong maiahon sa kahirapan ang iyong pamilya at ikaw naman ay tuluy-tuloy na ring umunlad at yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page