Kelot, tiklo P306-K shabu sa checkpoint
- Maeng Santos
- Mar 31, 2020
- 1 min read

Nasa P306-K halaga ng ilegal na droga ang nasamsam mula sa hinihinalang drug dealer matapos masabat sa checkpoint sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Ronald Cruz alyas Onat, 34, ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa imbestigasyon ni PCpl. Christopher Quiao, unang ipinaalam ng Tactical Operation sa lahat ng personnel ng Valenzuela Police na magsagawa ng mga checkpoint matapos ang natanggap na impormasyon mula sa regular confidential informant na isang alyas Onat ang magde-deliver ng
shabu sa lungsod sakay ng motorsiklo.
Alas-3:30 ng hapon nang mamataan ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa harap ng SMC Mc Arthur Highway Marulas sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega ang isang lalaki na sakay sa motorsiklo at tinangkang umiwas kaya nilapitan ito ni PSMS Roberto Santillan at pinara. Nang hanapan ng kanyang driver’s license at iba pang kaukulang dokumento, itinulak ng suspek si PSMS Santillan saka tinangkang tumakas na naging dahilan upang habulin siya nito, kasama si PCpl. Baquiran.
Nang makorner, nakuha sa suspek ang 11 sachets na naglalaman ng nasa 45 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P306,000 ang halaga, 4 na assorted ID’s, 4 na pertinent document, isang digital weighing scale, isang coin pouch, P300 cash, disposable lighter, scissor, notebook, 2 susi.





Comments