Kahulugan ng umuwi sa probinsiya at nasa bukid
- Socrates Magnus
- Mar 31, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Ronald na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Napanaginipan ko na nandu’n ako sa probinsya namin. Nasa bukid ako at namimitas ng mangga at nanghuhuli ng mga ibon kung saan malalaki at marami ang nahuli ko at nakakuha pa ako ng mga itlog ng ibon.
Ano ang ibig sabihin nito? Hindi naman ako makakauwi sa amin dahil walang masasakyan at nasa Quezon City ako at bawal lumabas.
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo Ronald,
Kapag mahirap ang buhay kung saan nakatira ang nananaginip, siya ay mananaginip ng lugar kung saan malaya niyang magagawa ang mga gusto niyang gawin. Ito ang dahilan kung bakit napanaginipan mo na nasa probinsiya ka at nammitas ng mangga at nanghuhuli ng mga ibon.
Gayunman, maaaring may isa pang dahilan at ito ay maaaring nasa isip mo na walang problema sa probinsya ninyo tulad ng COVID-19 kaya iniisip mo na malaya mong magagawa ang anumang gusto mong gawin.
Sa mabilisang pag-aanalisa, mukhang tama ka dahil ayon sa mga balita, ang mga namamatay dahil sa COVID-19 ay mayayaman lang yata. Kaya masasabi na sa isip mo, hindi mabubuhay ang virus sa matinding init ng araw sa bukid na may kasabay pang sariwang hangin.
Totoo man o hindi ang iniisip mong ito, wala namang paaran para makauwi ka sa inyo para mamitas ng mangga at manghuli ng ibon. Gayunman, ang mga panaginip ay may malaking naitutulong sa tao tulad mo kung saan ay napakahirap ng inyong kalagayan sa QC, pero nang dahil sa panaginip, sumaya ka at mukhang ikaw din ay magiging masigla dahil mananatili sa alaala mo ang masasayang pamimitas ng mangga at panghuhuli ng mga ibon sa bukid.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments